KABANATA 33

25.4K 922 460
                                    

This chapter is dedicated to: Czhyh_Dvnn05

KABANATA 33:

PRECIOUS POV

Sumapit ang gabi at ngayon ay hatak-hatak ko na si Artemis papasok sa loob ng kwarto ko. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras para makausap ko siya ng masinsinan dahil nakipag-tsismisan pa siya sa mga bisita nilang dumating kanina especially yung mga kamag-anak nila na galing pa sa Stelliferous at kakatapos lang din nilang magsikain ng hapunan. Siniguro kong naka-lock yung pinto bago ko pinaupo si Artemis sa sofa na meron dito sa kwarto ko.

"I think alam na nila Ares yung tungkol sa akin," walang alinlangan kong sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin, "What do you mean na alam na nila Kuya Ares yung totoo?" tanong niya kaya marahas akong bumuntong-hininga at napahilamos pa ako sa sarili kong mukha. Hindi na rin ako mapakali sa kinatatayuan ko. Malakas ang kutob ko na may alam na sila Ares, alam na nila ang totoo!

"Basta! Malakas talaga ang kutob ko na alam na nila Ares at Achi na ako si Precious! Dapat kasi inamin na natin sa kanila agad yung totoo kaysa gumawa pa sila ng paraan para alamin yung pagdi-disguise ko. At s-saka, parang may something kay Achi kanina. Tapos feeling ko hinuhuli din ako ni Ares. Muntik na akong mabuking kanina, Artemis! Tinanong ako nung Kuya Ares mo kanina kung papaano ko nalaman na favorite ko yung iniinom niyang kape! Nadulas ako, buti na lang nagdahilan ako na sayo ko nalaman kung akong paborito mong kape! Baka magalit sila sa akin eh!" mahaba at kinakabahan kong pagkukwento sa kanya.

Hiningal pa ako matapos kong sabihin yun ng dire-diretso samantalang mas nangunot ang noo ni Artemis sa akin. Napasalumbaba pa siya at tila nag-iisip. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, ni hindi na nga ako mapakali dito eh. Paano kung magalit talaga sa akin si Achi? Yun pa naman ang isa sa kinababahala ko ngayon, ang magalit siya. Hindi ko rin makakalimutan yung sinabi niyang may punishment na natatanggap yung mga nagsisinungaling sa kanya.

"Okay, okay. Kumalma ka muna. Mag-iisip tayo ng paraan, okay?" pagpapakalma ni Artemis sa akin bago niya ako hinatak paupo sa kanyang tabi.

"Aminin na natin sa kanila yung totoo, Artemis. Hindi ko na rin kayang magsinungaling sa kanila." diretso kong turan sa kanya pero ang bruha ay napailing-iling pa siya ng kanyang ulo na tila hindi sumasang-ayon sa sinabi ko.

"No, not now. Gusto ko pa silang pagtripan 'no." Aniya at napahalukipkip pa siya sa kanyang braso. Hindi na ako nakatiis pa kaya agad ko siyang binatukan sa kanyang ulo.

"Aw! What is that for?!" sigaw niya at hinimas ang parte ng kanyang ulo kung saan ko siya binatukan. Kanina ko pa 'to gustong gawin pero hindi ako makakuha ng tiyempo.

"Tama na ang kalokohan okay? Sasamahan mo ako bukas ng umaga at aaminin tayo sa harapan mismo ng dalawa mong Kuya, naiintindihan mo ba?" wika ko sa kanya. She deeply sighed. Napasimangot pa siyang sumandal sa sofa na parang isang bata na naagawan ng candy.

"Pero gusto ko pa silang pagtripan. Hindi pa nga ako natutuwa sa pangtitrip ko sa kanila eh!" panghihimutok niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Desidido na talaga ako. Bukas na bukas din ay agad kong aaminin kina Ares at Achi yung totoo. Ayokong magalit si Achi sa akin lalo na si Ares. Mas okay na rin yung sabihin ko na sa kanila yung totoo bago pa mahuli ang lahat. At saka, sinakyan ko lang naman yung kalokohan nitong si Artemis dahil pinilit niya ako na itago muna namin sa dalawa niyang Kuya na ako si Precious at naka-disguise lamang ako.

"Ganito na lang, last chance na talaga at aaminin na natin sa kanila yung totoo. Promise, huli na 'to." pagpupumilit ni Artemis sa akin.

"Ano ka ba, ayoko na. Ayokong magalit sila Achi sa akin. He hates liars, jusko po!" frustrated kong asik sa kanya bago ako tumayo at napahilamos sa sarili kong mukha. Kami lang naman ang nagkakarinigan sa pinag-uusapan namin ni Artemis dahil soundproof daw itong kwarto sabi niya sa akin nung isang araw. At saka kaming dalawa lang din ang nandito sa kwarto kaya walang makakaalam sa pinag-uusapan naming dalawa.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon