Tulala akong pinag-lalaruan ang pag-kain kong nasa tray habang nakahalumbaba, si Raizen at Jea naman ay nagtatawanan kanina pa.
"Wag mo na kasing isipin 'yung lalakeng 'yon! Akala mo kung sino makaasta, hays sayang pogi pa naman." Naiiling na anang ni Raizen bago isubo ang kaniyang tinidor na may naka-tusok na carrots.
"Konting-konti nalang talaga ha! malapit ko ng i-blackmail 'yon!" Gigil na ani Jea.
Nai-lapag ko sa mesa ang tinidor na ipinanlalaro ko sa pag-kain ko at napa-takip ng mata. Ni-hindi nga ako sigurado kung hihintayin niya ako mamayang uwian, ngunit sigurado akong hindi siya mag-papatalo sa sinabi ko sa kaniya kanina.
"Paanong hindi ko iisipin--- paano kung balikan niya ako--"
"Kalmahan mo kasi beh!" Awat sa akin ng dalawa kung kaya't naitikom ko ang aking bibig
"Ikaw kasi, eh! dapat hinayaan mo nalang 'yung ugok na 'yon! For sure mag-sasawa din 'yan." Sermon sa akin ni Raizen na hindi sinangayunan ni Jea.
"Hindi tayo sigurado, sa dinaming naging babae ni Shelo, kay Kracielle lang siya nag-tagal ng isang buwan kahahabol." Sumubo muna siya sa kutsara niya, "Kaya ang mai-aadvice ko lang sa'yo ay ang mag-ingat ka sa kaniya."
Napalunok ako sa palaisipang posibleng gawin sa akin ni Shelo.
"Pero 'wag kang masyadong kabahan, naka back-up naman kami lagi sa 'yo." Umakbay sa akin si Jea at kahit papaano ay nabawasan 'yung kaba ko.
They are right, I always had their back.
"Kung kailangang masapak nung Shelo, ready lang 'to." Ipinakita pa ni Raizen ang kamao niya kaya natawa kaming tatlo.
Masaya kaming nag-tatawanang tatlo, hanggang sa may natisod at natapon sa akin ang lamang pag-kain sa tray niya, and it made me flinched.
"Oops." Sarkastikong anito.
It's Anjie.
May kasama itong apat na babae na nasa likuran niya.
Pansin ko naman kung paano nag-usok ang ilong ng dalawa kong kaibigan dahil sa ginawa niya. Alam naming sinasadya niya 'yon, pero mas pinili kong kumalma bago humarap sa kaniya at ngitian.
Unti-unti namang nawala ang ngisi niya at napalitan iyon ng simangot ng makitang nakangiti lang ako sa kaniya.
Hindi ko din alam kung bakit bigla nalang siyang nagkaroon ng galit sa akin, we were friends before.
It's... it's a long short story...
Parang dati lang ay quadro kami... Pati ang mga estudyante dito ay kilala ang aming grupo, hanggang ngayon ay palaisipan parin sa aming tatlo nina Jea at Raizen kung bakit biglang naging ganito si Anjie.
Sa katotohanan ay ramdam kong ako lang ang kaniyang kinaiinisan sa aming tatlo, hindi ko alam kung bakit, dahil wala siyang sinabi bago niya abandunaduhin ang aming pag-kakaibigan. Pero hindi namin hinayaan 'yong tatlo, ipinag patuloy namin ang friendship naming nabuo simula noong first year kami...
"I won't get mad at you, just at least say sorry." I stood up.
She scoffed and rolled her eyes on me, "Me? mag-so-sorry sa 'yo? you must be kidding me." Tumawa sila ng mga kaibigan niya, nakikiramdam din ako sa dalawa na nasa likuran ko, pakiramdam ko ay ilang segundo lang tatayo nadin si Jea at Raizen para back-up-an ako.
Pero alam nilang as much as possible ay ayokong gantihan si Anjie.Mabuti siya noon, at imposibleng nawala na iyon ngayon.
I smiled, "It's still okay, makakadaan na kayo." I stated, sa hinahon ng boses ko ay nainis padin siya, sinipa niya pataob ang bangkuang bakante sa table namin, but I didn't even flinched.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...