Chapter 33

1.8K 44 2
                                    

Tulala akong nakaupo ngayon sa swivel chair sa opisina ko habang ang kamay kong nakakuyom ay nakalapat sa labi ko.

Pinag-laruan ko ang ballpen na nasa table ko hanggang sa may pumasok at nalaglag iyon sa sahig.

I sighed before picking it up.

"Ito daw ang mga materials na kailangan sabi no'ng architecture na kumuha ng project. 'Yong engineer naman basta daw kontakin natin siya, may inaasikaso din kasi sa Batangas." Lapag niya ng isang folder at blueprint sa desk ko.

Napasapo ako ng noo habang nakasandal ang siko sa arm rest at napapikit.

Sumasakit ang ulo ko kaiisip sa naging pagkikita namin ni Xevier noong isang araw!

"Tsk." I clicked my tounge between my teeth.

"Oh, ano problema mo?" Pinaghalukipkip pa niya ang dalawang braso niya.

"Wala, may talipandas lang akong naalala." Iritang wala sa loob kong sagot.

Tinaasan niya ako ng kilay, "At sino naman 'yan?"

Umangat ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nag-tataka akong tinitignan.

"Forget it, kailan ko pwedeng makita iyong lote na pag-tatayuan no'ng bahay ampunan?" Sa halip na tanong ko.

"Hmm, pwede naman na ngayon sa totoo lang, pero depende padin kung wala ka ng naka-schedule?"

May meeting pa ako sa mga baging hire ni Dad bago mag lunch, pag-uusapan iyong factor ng mga alak namin sa Laguna dahil napagkaisahan nilang babaguhin ang design no'ng bote ng produkto.

"Meron akong naka-schedule na meeting, mag-aalanganan kapag ipinilit ngayong araw."
Tinanguan naman niya ako.

Nag-tataka akong napa-tingin sa kaniya dahil nag-lapag siya ng baso ng kape sa desk ko sabay ngiti.

"Napadaan ako kanina sa café kaya huminto ako. Paano, alis na ako?

Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Thank you, this is what I needed."

He nodded to me. "I know."

Tumalikod na siya para lumabas pero pumihit siya ulit nang may maalala.

"Oo nga pala, may taong gustong tumulong sa 'yo, he insisted to help you with the materials."

Natuwa ako, kung gayon ay may mga nagmamalasakit parin nga talaga sa mga batang ulila.

Most of the homeless kids are been treated badly, kaya ang bawat batang naipapasok sa orphanage ay isang magandang balita para sa aming mga tumutulong.

"Sino daw siya?"

"Hindi nabanggit sa akin ni sir Patrick, siguro kayo nalang ang mag-usap tungkol diyan."

I thanked him again for the coffee and for handling some of the works, I am an advertising manager at the same time, kaya double-time talaga minsan.

"Good morning, Ms. Acedre." The employer greeted me before passing me by while bowing to show respect.

I smiled at thhem, "Good morning."

"Good morning, Sir." Formal na bati ko kay daddy nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Ms. Acedre, I hope you haven't forgotten that we have a lunch meeting this morning. I am expecting you to be there on time." I nodded at my Dad's statement.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon