Chapter 23

1.7K 46 0
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas at biyernes nanaman, ang ipinagtataka ko pa ay bakit bigla nalang tumigil si Shelo sa pangungulit sa akin? Bigla siyang nailang, siya nadin ang kusang lumalayo sa akin.

Balik tayo... kagaya nga ng sinabi ni Xevier, siya ang hatid-sundo sa akin simula pa nung Martes. Bilin din sa kan'ya ni daddy, napansin siguro ni daddy na nagiging malapit na kami ni Xevier kaya sa kaniya ako pinagkatiwala ni daddy, hanggang ngayon kasi ay hindi pa buo ang pagtitiwala ni daddy sa mga drivers namin pero pinili niya pading bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ito. Hindi naman kasi lahat ay sangkot sa nangyari kaya wala naman sigurong masama kung bibigyan namin sila ng second chance para pag-lingkuran ang aming pamilya.

"Do you want anything to eat?" Tanong niya sa akin, sino panga ba? edi si Xevier. Isinuot niya ang kan'yang seat belt pagkasakay niya, sinundo niya ulit ako at pauwi na kami.

"Wear your seat belt." Saad niya kaya ikinabit ko na ang seat belt ko nang walang kibo.

He turned on the car engine as he faced the steering wheel. Gano'n padin kami sa dati, halos walang pansinan. Kundi pa siya ang mauna baka hindi ko talaga siya imikin.

"Pizza?" Bigla akong nagutom nang banggitin niya 'yon, kanina pa ako nag ci-crave for pizza simula nung lunch time namin... "Shall we stop to the nearest pizza parlor?" Nag-iwas ako ng tingin at kunwaring nakatingin sa labas ng bintana.

"Ikaw bahala."

Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan at sa lumiko para pumunta sa tinutukoy niyang pizza parlor.

Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng natukoy na pizza parlor bago bumaba, naglakad siya papunta sa labas ng pintuan sa shotgun seat at saka ito binuksan.

"Bababa kaba?"

"Babablack ship?" Kinunutan niya ako ng noo.

"What are you saying?"

"Sige." Bumaba nadin ako at ako na ulit ang nag-sara pabagsak nung pintuan, hindi na siya nakahawak, natakot na siguro nung nakaraan.

Nagpatiuna na akong mag-lakad sa kaniya papasok ng parlor, kita ko sa reflection ng glass window ng pizza parlor ang pag-hilot niya ng kaniyang sumasakit na sentido dahil sa'kin.

Siya ang mapilit na hatid-sunduin ako, magtiis siya.

Nang makarating kami sa counter, nakita ko na agad ang paborito ko. 'Yung Half Shawarma at half Hawaiian. Special sa menu nila.

"Three boxes of Half Shawarma and Half Hawaiian." Order nung babaeng katabi ko sa kabilang pila. Nasa'n na si Xevier. . . ?

"Good day ma'am, may I have your order?" Ngiti nung babae sa counter kaya ngumiti din ako pabalik bilang respeto.

"Two orders of Half Shawarma and Half Hawaiian, please." Saglit na nag check 'yung counter attendant hanggang sa muli siyang humarap sa'kin.

"Sorry po ma'am pero, out of stock na po kami, but we have a recommendation for you ma'am, it's a family sized pizza, filled with extra large macaroni and Mozarella cheese, fries on the top with nachos on it. Would you like to try it? ma'am." Mukang masarap naman, hindi kasi ako napatingin ng mabuti kanina sa menu since nakita ko na 'yung paborito ko. But unlucky, out of stock na sila.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon