Chapter 38

2.1K 55 4
                                    

"B-bakit naman may pabulaklak ka ngayon?" Pabiro kong tanong kahit nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa kilig.

Matamis ang ngiti niyang binigay iyon sa akin.

"Bakit hindi? and I didn't brought a flower when I asked if I could court you..." Nahihiyang sagot niya at napakamot sa batok.

Hindi ko mapigilang bumungisngis, "Thank you... they look beautiful, and smells beautiful."

He pursed his lips.

"I'll get back to work now, I have a meeting. Just call me if you need or want something, hmm?" Malambing na sabi niya kaya lumawak ang ngiti ko at tumango.

He also kissed my forehead before leaving my office.

Paupo pa lang ako ay muling bumukas na ulit 'yon.

"Oh, Aries, bakit ngayon ka lang?" Tanong ko kay Aries, "Kanina ka pa hinahanap nila daddy sa conference room." Dagdag ko.

May meeting kasi sila ni Daddy, tungkol sa business.

Kagaya ko ay may sariling business din si Aries, ipinasa iyon ng Dad niya noong nasa tamang edad na siya, sa states ginanap 'yon at otomatikong imbitado ang mga Acedre.

Naranasan kong mag-trabaho para sa kan'ya, kailangan kong makaipon dati ng malaki, tumutulong naman sila mommy at daddy sa akin sa pamamagitan ng pag-tayo ng small business, nag-benta sila ng mga antique at iba pa.

Actually, nag-kakilala kami noong araw na nag-hahanap ako ng mapapasukang trabaho, saktong naroon siya sa restaurant na 'yon na pagmamay-ari niya. Sa katunayan ay wala akong pinipiling trabaho dati, pero siya ang nag-alok sa akin na pwede niya akong maging assistant. Ang unang alok niya ay tutulungan niya kami sa bumagsay naming mga negosyo pero tumanggi ako, pinili ko ang maging secretary niya.

Nang makaraos at dahil nadin magaling 'yong abogado namin, nabawi 'yong 75% ng nawala sa pera namin, simula no'n ay palaisipan kung paano nangyari 'yon hanggang sa umamin na si Xevier nang harapan...

At simula no'n, hindi na ako nag-trabaho bilang secretary niya, tumagal din ng siyam na buwan iyong pag-tatrabaho kong iyon pero nag resigned na ako dahil wala naman nang rason para ipag-patuloy ko pa.

Doon na sa akin pormal na naipasa ni daddy ang kumpanya. Buong angkan namin ay kasama, ang mga lahi ng Acedre.

At s'yempre, hindi mawawala sa mga ibitado ang taong tumulong sa akin!

Si Aries De Leon.

"Parang sumaglit lang ako sa kapehan minamadali mo na ako agad?" Aries chuckled, sabay lapag ng kape sa desk ko.

"Thank you." Ngiti ko at kinuha iyon, sumimsim ako doon matapos ang ilang saglit na pag-ihip bago nag-salita, "Pumunta kana do'n at baka ma-cancel 'yon bahala ka!" Banta ko nang mapansing tulala lang siya sa'kin.

"Alright... I'll go ahead, then." Nakangiting sabi niya.

Nang maiwan na akong mag-isa sa opisina ko ay napa-buntong hininga ako at napasandal sa swivel chair ko.

Hindi ko din alam, pero... parang naninibago ako kay Aries.

Ewan.

Kasi naman, minsan nakakakita ako ng kalungkutan sa mga mata, minsan parang ang lalim palagi ng iniisip, napapansin ko din na dumi-dstansya na siya ngayon tuwing binibisita niya ako, di kagaya ng dati na sasalubungin niya ako ng yakap.

May parte sa akin na naging pabor iyon, dahil mga nasa tamang edad na kami lalo na kami ni Xevier, kahit na sabihing hindi pa kami committed ni Xevier, ayokong maramdaman niyang kayang-kaya akong lapitan ng kung sino lang na lalaki. Ayoko namang makakuha siya ng maling idea kay Aries.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon