Chapter 25

1.6K 44 3
                                    

Natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang kama.

Where the heck am I?

My head hurts and I can't move, my body is so numb.

"Are you okay now?"

Xevier? Nilingon ko siya at tila ba nakaramdam ako ng sabik. Ngunit nanamlay ang aking mga mata nang makitang hindi siya 'yon.

Nakaupo si Xeren sa upuan, sa tabi ng kama.

Pinilit kong bumangon at inalalayan niya ako. Pinipilit alalahanin ang nangyari at kung paano ako napadpad dito sa--

Hospital?

"Can you tell me what happened?" Tanong ni Xeren bago bumalik sa upuan nang makaupo na ako sa kama.

Isinandal ko ang likod sa headboard. "H-hindi ko maalala. . ." Sagot ko.

Na-alarma siya nang humikbi ako, nababaliw naba ako? Ano bang mali sa akin? napapagod na ako tuwing nagkakaganito ako.

"Do you want me to call Xevier?"

"H-huwag." Pigil ko sa kaniya.

Tumikhim siya at tumango, hindi naman niya ako pinigilang humikbi pero pinapakalma niya ako.

"You both should talk. . ."

"I don't want to." I said briefly.

Kanina. . . 'yung paraan ng pag-titig at pag-tama ng aming mga mata kanina...

It wasn't the same anymore. . .

I-i feel like I am a total stranger to him.

"Sorry, I have to bring you here at the hospital, bigla kang nawalan kanina ng malay. . . You've must be so tired--"

"Sobra."

Hindi siya nakapag-salita sa naisagot ko.

"G-gusto kona umuwi. Salamat sa pag-aalala, Xeren." I thanked him ngunit mukhang hindi siya sang-ayon.

"You need to rest first--"

"Ihatid mo 'ko, pwede?" Putol ko agad sa kaniya.

Wala na siyang nagawa at non ko lang nalaman na sa private hospital niya pala ako dinala, Nag-lalakad na kami sa hallway nang may pamilyar na lalaking kumuha ng aking atensyon, nakatalikod siya sa gawi namin habang may kinakausap ito.

"What's my brother doing here?"

Nandito din si Xevier. . .?

"Thank you for taking care of our daughter, hijo."

"You two are really made for each other."

Nakangiti ang mga ito habang kinakausap si Xevier ngunit hindi gaano rinig sa gawi namin. Hanggang sa mapunta sa gawi namin ang atensyon ng mag-asawa.

"Oh, Xeren is also here." Humarap sa amin si Xevier at halos huminto ang pag-tibok ng aking puso nang sa akin agad tumama ang mga mata niya.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon