Chapter 17

2.2K 64 14
                                    

Kinaumagahan nagising ako pero..

Nasa kwarto na ako...

Nasa'n si Xevier? Paano ako napunta dito? Imposible naman na panaginig lang 'yung nangyari kagabi.

Napabangon ako bigla nang maalalang may lagnat pa siya at wala siya dito sa kwarto kaya dali dali kong inilihis ang kumot at bumaba ng kama. Pagka labas ko ng pintuan ay walang pa tumpik-tumpik akong kumaripas ng pagbaba sa hagdan.

"Ma'am Kracielle! mag-iingat po kayo!" Puna sa akin nung isa sa mga katulong pero nginitian ko lang ito.

Teka, Ang bango....

Sila mommy at daddy pala? Nasa'n? Maaga ba ulit silang umalis?

Naglakad ako papunta ng kusina, baka kasi nag-luluto na sila at tutal wala naman akong gagawin kaya tutulong nalang ako.

"Manang--" Bungad ko pagpasok ko pero-- huh?? kailan pa naging malapad ang likod ni Manang??

Xevier!?

Gulat ako habang nakatingin sa likod ni Xevier na tila walang kamalay malay na pumasok ako.

He is wearing a blue apron.. Humarap siya mula sa kinatatayuan ko at natigilan nang makitang nakatayo ako sa pintuan.

Lumapit ako sa kaniya.

"Gising ka na pala--"

"Bakit ang aga mong bumangon?! tsaka bakit ikaw ang nag-luluto? Diba may lagnat ka? paano kung mas lumala 'yan imbis na gumaling ka ngayong araw?" Sermon ko.

"Chill, I am all good now. Tikman mo nalang 'yung niluluto ko."

"Ayoko, tigil-tigilan mo ako sa pag-ngiti mong ya'n." Sa totoo lang nag aalala ako sa kaniya, hindi ko pa alam ang dahilan nung nangyari kagabi pero alam kong naaalala niya 'yon pero hindi niya ipinapahalata.

Because to be honest... I didn't expect to see him crying last night.

"Xevier... about last night--"

"Come here, taste it." Putol niya sa pag-sasalita ko at itinapat ang kutsarang may laman sa bibig ko.

Sinabawan.

"Advance sorry if it taste horrible, hindi pa bumabalik 'yung panlasa ko."

"Eh bakit nag luto kapa? sabi kasi sa'yo ipahinga mo nalang 'yan."

"Pero gusto kitang ipag luto, possible na sipunin ka kaya mainam sa agahan ang mainit na sinabawan."

"H-huh? pinilit mong bumangon ng maaga para ipag-luto ako..?" Gulat na tanong ko kaya natawa siya. Nag salin ako ng tubig sa basong nasa lamesa, sobrang init ng pakiramdam ko huhu...

"I guess so? Pero anong 'pinilit'? Magaling nanga ako. You'll get used to it." Aniya bago isara ang gas stove.

What does he mean?

"What do you mean by I'll get used to it?"

"Kapag ipinagluluto kana ng asawa mo." Nag-init ang aking pisngi sa narinig kong sagot niya.

A-asawa? Iniisip ba niya na pagka graduate ko ay malapit na akong mag-asawa?

"P-paano mo naman nasabing mag-aasawa ako?" Halos magkanda buhol ang dila na tanong ko.

"I'll make sure that I'll be the one who you will marry."

Nasamid ako ng tubig at 'yung konti ay lumabas sa bibig ko.

"Slow down." Himas niya sa likod ko at pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng palad niya.

Dali dali akong humiwalay sa kaniya dahil sa kuryenteng unti unting dumadaloy sa katawan ko dahil sa sobrang init. Pulang pula na ba ako? huhu.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon