Natawa si Xeren na ngayon ay nakatayo sa tapat ko, why is he laughing?
Nagpamulsa siya sa kaniyang pantalon. "Bad mood, hmm?" Non ko lang napagtanto na nakakunot padin pala 'yung noo ko at bahagya pa akong nakanguso kaya tumawa nanaman siya.
"More like bad trip." Pagtama ko kaya naiarko niya ang kaniyang kilay.
"Why?"
Napatingin ako sa tabi kong claw machine na stitch kaya rinig ko ang lalaking lalaki na tawa niya.
"You aren't getting lucky today, are you?"
Exactly.
"I guess?" Bulong kong sagot, Ewan ba at bad trip na bad trip ako ngayong araw. Dahil ba sa stuff toy? himala naman at unang beses akong nawalan ng pasensiya sa maliit na bagay.
Akmang lalakad na ako at lalagpasan na siya pero hinawakan niya ako sa braso habang nginingitiaan padin ako.
"Let me give it a try." Aniya kaya napatingin ako sa token kong hawak at ibinalik din sa kaniya.
Napataas ang aking kilay.
"Ilan? ilang token?"
"Isa lang." Bakit parang siguradong sigurado 'yung sagot niya? abaa.. ang yabang.
Nag-abot na ako sa kaniya ng isang token, lumapit naman siya sa claw machine kaya napasunod nalang ako.
"Which color?" He asked, there's a blue color which is for Stitch, while the pink one is Angel.
Parehas silang cute... eh kung parehas kaya?
"Si Stitch." Sagot ko.
Nag hulog na siya ng token, ginalaw galaw niya muna 'yung joystick at itinapat niya ang claw assembly nito kay Stitch bago niya pindutin ang button kaya hinintay nalang namin itong bumaba.
Hindi ko maiwasang mamangha nang walang kahirap hirap niya 'yon nakuha.
He got it on the first try!!
Nalaglag na ito at siya na ang kumuha sa baba tsaka iniabot sa akin.
Ang cutee!
"Thank you!" Ngiti ko nang makuha ko na sa kaniya. Ngumiti din naman siya kagaya ng madalas niyang ginagawa.
Daig kopa nanalo sa loto nito!
"Do you want to get the pink one as well?"
Kahit na nakakahiya at baka nagmumuka na akong bata sa harap niya, ayoko naman sayangin 'yung swerte.
"Kaya mo?"
Itinaas-baba niya ang kaniyang kilay sa akin at inilapit nang bahagya ang kaniyang muka.
"Ako pa."
Halos maduling ako sa lapit niya kaya itinulak ko siya sa noo at natawa nanaman siya.
Kinuha niya ang kamay ko atsaka nag-hulog na ng token na kinuha din sa kamay kong hawak niya.
Pumwesto siya sa aking likod at ang isa ko namang kamay ang kaniyang hinawakan at saka niya ito inihawak sa joystick at 'yung isa naman ay sa button para bumaba 'yung claw assembly.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...