"Mommy." Tawag ko kay mommy tsaka bumeso.
"Hey, Kracielle, anak. How's your stay here?"
I smiled at my Mom's Question.
"It's good, Mom."
She gave me a teasing look, "I heard that Xevier visit you more often."
My eyes widened, hindi ko panga pala nasasabi sa kanila. Pero mukhang alam na ni mommy.
"Yes, mommy. Actually nililigawan niya na ako."
"Alam ko."
Itong si mommy, malapit na mag 50 pero ang bata pa din tignan.
"At aba, Kracielle Acedre. Bente Otso kana pero hanggang ngayon hindi ka pa nag-bibigay sa'min ng apo." Iling pa ni mommy.
Iniisip ko palang na mag-kakaroon ako ng anak kay Xevier ay hindi kona maiwasang mamula.
"At siya nga pala, planuhin niyo kung ilan." Dagdag pa ni mommy kaya mas lalo akong pinamulahan.
Nag-mumukhang si Kracielle na bente uno ako dahil sa pang-aasara sa'kin ni mommy.
"Dadating din d'yan mommy." Ngiti ko, nakikita kona kasing masaya sila sa oras na magka-apo na sila, lalo na't nag-iisang anak ako.
Biglang sumeryoso si mommy kaya pati ako nahawa.
"Natutuwa ako dahil nagkaayos kayo..." Teary-eyed si mommy.
Nag-paliwanag din sila mommy sa akin noon kung bakit nila hindi sinabi sa akin na matagal konang kakilala si Xevier.
Si Xevier ang nag-request dahil gusto niyang dahan-dahanin niya, pero mas lumabo ang lahat.
Mas lumawak ang mga ngiti ko kay mommy.
"Ako din po, masaya." Di maiwasang maluha na tugon ko.
I am glad I listened him. . .
Dahil this time lang din siya nagkaroon ng chance to speak for himself...
Kasalukuyan kaming nasa condo ko ni mommy dahil naisipan niyang bumisita sa'kin. Dinalhan niya ako ng ulam.
"Alam mo anak... no'ng araw na kauuwi lang nila dito sa Pilipinas, nakausap ko siya..." Mapait na ngiti ni mommy.
"He cried that night."
Nanatili akong tahimik, hindi nabanggit ni Xevier 'yon sa'kin.
"Noong gabing 'yon, naawa ako kay Xevier. . . I feel like something is pressuring him." It's someone, mom...
"Bumaba siya ng hagdan at humarap sa pamilya niya nang may hinanakit na nararamdaman. . . Hindi ko inaasahang iiyak siya pagkatalikod n'ya." Patuloy ni mommy.
"Humarap siya sa mga magulang niya na hindi umiiyak."
Nakaramdam nanaman ako ng paninikip sa dibdib, nasasaktan din siya ng patago, ng palihim.
"But when he turned around to left, he said one thing to me."
Matiim akong napatitig kay mommy, hinihintay na ituloy niya ang sasabihin.
"He won't give up until he won you back, dahil ikaw ang panalo niya."
I remained speechless, so all this time. . .
![](https://img.wattpad.com/cover/310313516-288-k875265.jpg)
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...