"I won." Nakakalokong ngiti niya sa akin at parang ipinaparating niyang dapat may kapalit.
Oo na! Simpleng laro lang 'to ng mga bata pero bakit kinakabahan ako! huhu.
"F-fine, you can ask anything." Iwas ang tingin na sagot ko at aalis na sana sa pagkaka saklang ng upo pero imbis na makababa ako ay muntik na akong mahulog kaya napakapit ako sa leeg niya.
"Seems like your body isn't following you at all, nagustuhan atang nakapatong sa akin." Tawa niya kaya nanlaki ang mga ko sa hiya pero sinamaan siya ng tingin bago umalis sa ibabaw niya.
"Ano pinag uusapan nila? gan'yan ba sila mag celebrate kapag nanalo?"
"Kung ako 'yan baka nasabunutan ko na si Lance sa tuwa dahil panalo."
"Hala siya diba ninja moves 'yung tawag diyan?"
Ibinalik ko ang atensyon sa mga bata.
"K-kayo...? Ano ang gusto niyong premyo mga bata?" Tanong ko sa kanila, baka kasi kung ano isipin nila huhu! paano na 'yung babaeng nagugustuhan ni Xevier--- teka...
Hindi kaya mag papatulong siya do'n sa babae niyang gusto para maka points na siya..? pero sigurado akong habulin siya ng mga babae simula pa noon, kaya hindi na siya mahihirapan.
"Candy po?"
"Ice cream!"
"Donut!"
Excited na sagot nila.
Ang simple ng mga gusto nila. "Iyon lang? ayaw niyo ng mga bagong gamit?"
"Hindi po sa ayaw ate. Pero kasi po tanging si Ma'am Melda at Ma'am Elda nalang po ang tumutulong sa isa't isa na mapalago 'tong bahay ampunan, Wala nadin pong nag bibigay ng donasyon dahil sa naging usap usapan po noon na magnanakaw ang mga bata dito." Malungkot ang boses na kwento ni Cyrill.
"Opo, kaya po hangga't sa maari ay pipiliin namin ang pag kain dahil minsan nalang po kami magkaroon ng sapat na pag kain para sa isang araw." Dagdag ni julie
"Huh...? bakit naman?" Takang tanong ko sa kanila.
"W-wala po kaming pera..." Nahihiyang sambit nila.
Malungkot ang mga mata nila. Ngayon alam ko na kung bakit sinabi ni Xevier na matutuwa sila sa dadalin naming mga pag-kain.
Tumingin ako kay Xevier na kakapunta lang sa tabi ko, Tumango siya ng bahagya na parang sinasang ayunan ang mga sinabi ng mga bata. Kung matagal na palang pumupunta dito si Xevier... bakit hindi siya nag donate ng mga sapat na pangangailangan ng mga bata? Pero hindi ko naman siya masisisi dahil abala siya madalas sa trabaho.
"Gusto niyo bang mamili tayo ngayong hapon?" Ngiti ko sa kanila pag lingon ko. Tila nagkabuhay muli sila at kusang napangiti. Lumaki ako nang nakukuha ang gusto ko. Kaya bakit hindi ko iparanas sa mga batang ito ngayon?
"Talaga ate??" Sabik na lapit sa akin ni Cyrill.
"Yup! pupunta tayo sa bilihan ng mga gamit at laruan. Tapos kakain tayo sa restaurant!"
"Ha ate? mahal po masyado ang dami nating pupuntahan.... wala po kaming pera." Sabi ni Cyrill.
"Edi...." Kunwari akong napaisip. "Kami na ni Kuya Xevier niyo ang bahala sa lahat!" Napatalon si Cyrill sa tuwa habang pumapalakpak, gano'n din 'yung ibang mga bata.
"Salamat po ng madami Ate Kracielle at Kuya Xevier!" yakap nila sa amin.
Ang saya nila... ganito dapat ang mga bata, ine- enjoy 'yung childhood nila. Hindi 'yung iniintindi nila mga issue sa mundo.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...