Chapter 3

3.9K 125 11
                                    

Araw ng linggo at kagagaling lang namin sa simbahan. Naglalakad na kami ngayon papunta sa paradahan ng sasakyan.

"Where should we eat, hon?" Tanong ni daddy kay mommy sabay halik sa ulo niya. Nasa 50 na ang age ni daddy at nasa 45 naman si mommy pero wala pading pagbabago ka sweetan nila sa isa't isa.

"Kahit saan. Ikaw anak? May gusto ka bang kainan?" Tanong sa'kin ni mommy, humarap silang pareho sa'kin habang naka akbay si daddy kay mommy at naka yapos naman sa bandang bewang ni daddy ang kamay ni mommy.

Napangiti ako. "Bakit hindi nalang po tayo sa bahay kumain? Mag-luluto po ako." Napatingin silang dalawa sa isa't isa sabay ngiti.

"Sure. May kailangan ka bang bilin?" Tanong ni daddy.

"Ako na po ang bahala, pwede na po kayong mauna ni mommy," Ani ko.

"Okay. Mag-iingat ka anak, ha. Nag-iisa kang anak namin ng daddy mo kaya iingatan ka namin hangga't sa maaari." Si mommy.

"Ano ba 'yan mommy, mag go-grocery lang naman po ako, eh." Natawa sila ni daddy.

"Oh basta mag iingat, ipapasundo kita kay manong, just text your daddy." Tumango ako sa kanilang dalawa bago lumiko ng lakad, medyo malayo pa kasi yung paradahan na pinag-paradahan ni daddy sa sobrang daming tao na nagsimba.

Mag lalakad nalang ako papuntang grocery store, di naman gaano kainit dahil maaga pa tsaka malapit lang dito.









‎"Good morning po, Ms. Acedre!" Bati sa'kin nung mga cashier at bodyguard habang todo ngiti pagpasok ko sa loob.

"Good morning." Ngumiti ako sa kanila pabalik, may umacting pa na parang nahimatay kaya natawa ako sa kanila.

Basket nalang ang kinuha ko, sapat na ingredients lang naman kasi ang kailangan ko.

"Good Morning po, Mr. Mirvalles!" May kung anong pamilyar na presensya akong naramdaman bago pa man ako makapag patuloy sa pag-lalakad kaya napatingin ako sa direksyon nung mga bumati din sa'kin kanina.

Tama ba 'tong nakikita ko?? Siya ba talaga 'to?

"Good day," sagot niya sa mga ito kaya tilian yung mga nasa cashier center.

Nang mag-lakad siya papunta dito sa kuhanan ng basket at shopping cart nakita niga ako pero nag-patuloy padin siya sa pag-lalakad habang inaayos ang dulo ng sleeve ng business attire niya.

'Yung sinabi niya kagabi hindi kopa din nakakalimutan 'yon! ni minsan walang nag sabi ng magandang puri sa kalutangan ko! huhu.

"Bakit nakatayo kalang diyan?" Tanong ni Xevier sa'kin.

Katulad ng kahapon, naka business attire ulit siya habang ayos na ayos ang buhok.

"W-wala." Maglalakad na ako nang maramdaman kong nawala sa pagkaka hawak ko 'yung basket dahil may kumuha nito.

"Hoy, ang dami daming basket, nangunguha ka ng may basket!" Tinignan niya lang ako at isinoli ang basket saka humila ng shopping cart.

"I'll do it."

"H-huh..?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya napakamot muna ako sa ulo bago mag-salita.

Alam niya sigurong na-gets ko naman 'yung sinabi niya.

"Hindi na... mga ingredients lang naman bibilin ko."

"Like what?"

"Cabbage, potato-"

"Okay." Putol niya sa sinasabi ko, Kumunot ang noo ko pero di na niya ako pinansin at itinulak niya na 'yung pushing cart.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon