Nakadating kami sa Mansion namin na hindi ko siya kinikibo, hindi ko na siya hinintay na pag-buksan ako ng pintuan at nauna na akong lumabas.
"Thank you." Tanging sinabi ko bago pumasok sa loob.
"Kracielle--"
Pagkasara ng gate ay agad na namuo ang aking mga luha na kanina kopa pinipigilan, napasandal ako at naipantakip ang dalawang palad sa muka para pakalmahin and sarili at maiwasang tumulo ang luha.
Lagi-lagi nalang ba ako mag-kakaganito? Ano ang dahilan? Walang kami pero, nasasaktan ako.
Napadaing ako nang biglang sumakit ang ulo ko na tila inuntog. maiyak-iyak ako sa sakit kaya napa-upo na ako habang naka-hawak sa aking ulo.
Hindi ko na namalayan na may bumuhat na pala sa akin at nagmamadaling nag-lakad papunta sa mansion namin.
My eyes are already half closed but I heard him saying, "Kracielle, don't close your eyes, please." Patuloy lang ang pag-tulo ng aking luha habang tahimik lang ako sa pag-iyak na nakasandig sa kaniyang dibdib.
Kahit pumiglas ako ay hindi ko na magawa dahil bumalik nanaman 'yung pananakit ng ulo ko.
Sobrang sakit na! nakakapanghina.
"Mauulit ba ulit 'yung dati? Xevier?" Wala sa loob kong mahinang tanong sa kaniya kaya napahinto siya bago pa maka pumasok sa front door.
Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi ang mga 'yon. . .
N-nanghihina ang dibdib ko.
Naalimpungatan ako at ilaw sa aking kisame ng kwarto ang bumungad sa akin na siyang naging dahilan upang hindi ko maimulat nang tuluyan ang aking mga mata.
Nang maaninag ko ito, naibaling ko ang ulo sa lalaking nakahawak sa aking kamay habang halik-halik ito, mahina ang kaniyang pag-singhot at alam ko na agad na umiiyak siya.
Ramdam ko ang kaniyang mainit na dalawang palad na nakabalot sa kamay ko.
Nang makita ko siyang umiiyak... May kung anong kirot na bumalik sa puso ko. Naiangat niya ang kaniyang ulo at naidilat ang mga nakapit na mata nang marinig niya ang pag-hikbi ko.
"Kracielle. . ."
"B-bakit ngayon ka lang?" Mas dumami at bumilis ang pag-tulo ng aking luha. Kahit anong gawing pigil ko ay tuloy-tuloy ito.
"W-what do you mean? I've been with you since earlier." Mugto ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak.
Bakit hindi ko ma-control ang sarili ko?
Nag-ring ang kaniyang cellphone.
"Sagutin mo muna. . . makakauwi kana din." Nagtalukbong ako ng kumot hanggang dibdib at tumagilid ng higa.
Ramdam ko ang pag-galaw ng kama, naupo siya sa tabi ko at niyakap ako habang hina-halik halikan ang aking bukok.
"I'm sorry, for what I have done."
What is he talking about?
"M-maybe I'll talk to you tomorrow." Gusto kona muna matulog. Baka sakaling panaginip lang 'tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...