Chapter 27

1.6K 43 1
                                    

Naka-himas batok siyang lumakad sa harap ko at yumuko sa level ko, iniluhod niya ang kaliwa niyang tuhod bilang suporta.

Isinandal niya ang kanang braso niya sa isang tuhod niya, samantalang itinaas naman niya ang isa niyang kamay sa aking mukha para punasan ang luha ko.

"I'm sorry. You are already drunk, let me take you home, please." He pleaded.

I looked away, "A-ayoko..."

He sighed.

"Please?"

Dahil sa boses niyang 'yon ay nag-lakas akong loob makipag-titiga sa kaniya.

Doon ko lang nakita ang bahagyang kulay itim sa ilalim ng mga mata niya, samantalang ang mga mata niya ay halata ding pagod. Kaya siguro siya nagkaroon ng eyebag.

Ano naman kaya ang pinagpupuyatan niya? overtime ba siya palagi sa trabaho niya?

Eh, ano naman ngayon sa akin 'yon? Wala naman akong karapatang pakeelaman siya.

"Tara na!" Nakairap na aya ko sa kaniya at muntik pa akong matumba nang tumayo ako pero nasapo niya rin ako agad kaya mabilis akong humiwalay sa kaniya.

"Asaan ba dine 'yong sasakyan mo?" Lasing na tanong ko.

Inilabas niya ang susi ng sasakyan niya at may pinindot na button doon, tumunog ang kotse sa tapat ko, medyo nasilaw pa ako sa ilaw kaya napasingkit ako ng mata.

Hindi kona siya hinintay at dumiretso ako sa passenger seat ng higa.

Hindi kasya ang katawan ko dahil sa height ko kaya hindi sumara yung pinto.

"Kracielle, your feet."

Sa totoo lang ay madumi iyong paa ko, pero sa sitwasyon ko ngayong tinamaan na ng alak ay wala akong pake. Nakakahiya!

"Andiyan oh, naka-kabit, dalawa." Pilosopo kong sagot.

He took a deep breath and pursed his lips, napahilamos nalang siya ng mukha gamit ang palad niya.

"Umayos ka ng upo." Alam kong nakukulitan na siya sa akin, pero kontrolado padin 'yong boses niya sa akin. Marahan ito at may halong hambing.

Para sa mapapangasawa mo. Oo na.. Panalo na siya, maganda siya at pang modela, base sa kulay ng mga mata nito at mukhang half-fil siya dahil asul ang mga iyon, isama nadin na mukhang foreigner ang tatay niya.

"Maganda din naman ako... 'di ba...?" Malapit ng bumagsak ang talukap kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa itaas.

Mukhang nabigla siya sa itinanong ko, bukas ko nalang mumurahin ang sarili ko sa mga pinaggagawa ko ngayong gabi.

Kung ano'ng bagay ang naramdaman kong sumaksak sa puso ko nang manatili siyang nakatahimik at hindi ako sinagot. Bakit ko paba tinanong 'yon? Alam ko namang may girlfriend 'yung tao...

"Sobra."

Mahina lang iyon kaya hindi ko narinig kaya tinignan ko siya sa paahan ko na ngayon ay naka-hawak sa pintuan noong kotse. Naka-tingin siya sa gilid niya at hindi nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo?" Nakataas ang kilay kong tanong.

"Nothing." He answered shortly.

"Minumura mo ba ako!?"

"What..? No!" Mabilis na sagot niya.

Umirap ako, "Whatever!"

Ipinasok niya ang sarili niya sa loob ng kotse atsaka ako hinawakan sa likod para iayos, ini-upo niya ako.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon