Chapter 11

2.6K 76 42
                                    

‎‎Natapos na silang kumain at nasa loob na kami ngayon. Si Xevier naka upo sa sahig habang naka tukod 'yung isang kamay bilang suporta. nakikipag kuwentuhan sa kan'ya 'yung mga bata.

hayys.... ang swerte ng makakasama at magiging anak nila...... akalain mo? hindi niya anak o kadugo 'yung mga bata dito sa bahay ampunan pero parang kadugo na niya kung pakitunguan ang mga ito. Kaya malapit sa kan'ya ang mga bata.

Totoo nga 'yung sabi ni Xevier. Nag e- enjoy ako sa mga bata. Ang bait nila. Minsan ay inaasar nila si Lance at Cyrill na magkakatuluyan paglaki kaya natatawa nalang ako. Ang kulit.

Nakaupo lang ako sa isang upuan sa may lamesa habang sapo-sapo ng kamay ang baba at pinapanood sila. May batang nasa apat na taon ang kandong kandong ni Xevier. Nakangiti sila habang nagkukwentuhan.

Samantalang ako hanggang nood lang. hayss, Ako gumagawa ng ilakasakit ko. Paano ba naman kasi, Nalaman kong may malapit na siyang ligawan....

Paano ko na siya haharapin ngayon? Paano 'yung nararamdaman ko para sa kaniya....? Mali ba na nagkagusto ako sa kaniya sa gayung kakakilala ko palang sa kaniya? Sa gayung ang bilis kong nahulog sa kaniya..?

Ang weird noh? Pati ako hindi ko alam sagutin mga sariling tanong ko.

"Ate Kracielle." Tapik sa akin ni Cyrill habang nakangiti. Di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin dahil nakatulala ako kay Xevier at kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isip ko.

"Okay ka lang po ba? hala! bakit po namumula 'yung ilong mo?" Natatarantang tanong ni Cyrill sa maliit niyang boses.

Tila napunta sa akin ang atensyon nilang mga bata pati 'yung dalawang Madre na nag-uusap, including Xevier.....

"H-huh? w-wala.... baka sisipunin lang ako. Mahangin kasi sa labas." Palusot ko. Namumula siguro 'yung ilong ko dahil paiyak na ako kakaisip huhu.

"Paano po? Diba po naka kotse kayo ni kuya Xevier?" Oo nga pala!

"Ibig kong sabihin.... baka pinasukan lang ng lamig 'yung ilong ko kaya ako parang sisipunin.

Napalapit sa amin si Xevier habang hawak sa kamay 'yung batang naka kandong sa kan'ya.

"May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang?" Agad niyang tanong pagka lapit sa akin.

Hindi.

Akmang hahawakan niya ako sa noo pero umiwas na agad ako at kunwaring napahimas ng noo.

'Yan, sa simple niyang pag-aalala, sa simple niyang mga kilos, sa marahan niyang pag hawak sa akin. He is so gentle all the time.

Pero siguro kailangan ko nang mag umpisang iwasan ang mga gano'ng gawain niya sa akin.

This is what I meant by "I trust actions more than words." Mas gugustuhin kong maakit sa kilos kesa sa mga matatamis na salita. At nakita ko ang mga 'yon kay Xevier.

"Promise, I am okay." Paniniguro ko.

Nag aalala padin silang nakatingin sa akin hanggang sa naisipang mag salita ni Lance.

"Laro nalang po kaya tayo? stop dance!"

"SIGEEE!!"

"MAY NANUNULAK NAMAN EH! PERO SIGE!"

"Ate Kracielle, Sali ka po!" Hila sa akin ni Cyrill. Napunta ang tingin ko kay Xevier na nasa akin padin ang tingin kaya tumayo na ako at nginitian si Cyrill.

"Sure." Sagot ko.

"YES!"

Gulat akong napatingin kay Lance nang magsalita ulit siya. "Sali din po si Kuya Xevier." Haa??

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon