Message
Xevier
Please, wait for me.
***
Pupunta ba siya dito?
Alam ba niya na... tumawag ako? pero paano 'yung kasama niya? baka sumama ang loob non dahil aalis siya.
But he told me to wait for him, so I will. I'll wait for him.
Kasalukuyan akong naka tayo ngayon sa balcony ng kwarto ko kung saan matatanaw agad kapag may pumasok na galing sa gate.
Alam nadin ni daddy na gising na ako pero wala siya dito nung nalaman dahil umalis daw ulit siya para pumunta sa office. Napapadalas na ang overtime ni daddy sa trabaho nitong mga nakakaraang araw, kaya pati si mommy ay nag-aalala na sa kalusugan ni daddy.
Naglakad ako palapit sa isang upuan sa gilid para maupo at binuksan ang screen ng aking cellphone.
8:02 PM
halos kalahating oras na simula nung nag text siya. Pero hanggang ngayon wala padin siya.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nasa'n kaya siya? Dalawa kasi ang pwedeng puntahan niya, sa opisina at sa bahay.
Napahinga nalang ako ng malalim at ipinatong ang kanang siko sa hita para pumangalumbaba, sa kaliwang kamay naman ay ang may hawak ng cellphone.
Ilang minuto ang lumipas at wala padin dumadating, ni kotse ni daddy at ni Xevier ay wala pa.
Muli kong natignan ang kaniyang message kanina.
Message | from earlier
7:32 PMXevier
Please, wait for me.
***
8:47 PM
Nakatayo ulit ako sa balkonahe at nakatuon ang tingin sa gate. Mahigit kalahating oras ulit ang lumipas at dumating na ang sasakyan ni daddy. May hawak siyang mga papeles sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang bag kung saan nakalagay ang laptop.
Kita ko sa baba ang pag-salubong ni mommy kay daddy, ibinaba ni daddy sa sahig ang kaniyang mga hawak para lang mayakap si mommy.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila.
Hinalikan ni daddy si mommy sa noo habang si mommy naman ay humiwalay na sa yakap, Dinampot na ulit ni daddy 'yung mga inilapag niyang gamit at pumasok na sila sa loob.
I'll be graduating soon... At pag-tapos non ay ipagkakatiwala na sa akin ni daddy ang kompanya.
9:05 PM
Nakapangalumbaba akong napabuga ng hininga.
Nasa'n na siya? pupunta pa ba siya...?
(tik... tok... tik... tok...)
Tahimik na ang mansion at tanging orasan lang sa aking kwarto ang naririnig kong ingay.
Gusto ko na siyang itext pero.... hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
Kung pumasok nalang kaya ulit ako sa loob? hindi kaya namali kang siya ng send at nanguna lang ang pagising assumera ko?
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...