Chapter 4

3.9K 116 21
                                        

"Have you ever had a boyfriend before?" Seryoso siya sa aking nakikipag-titigan, kung kaya't wala akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin.

"W-wala pa..." I cursed under my tongue for stuttering.

He just nodded which left me confused, nag-bayad na kami sa counter matapos mamili ng mga sangkap at bumalik na kami sa kotse niya.

Tumagal ang byahe naming iyon ng fifteen minutes bago namin marating ang gate ng bahay namin. Noong una ay tila nag aalanganan pang buksan ng guard 'yung gate namin dahil sa hindi pamilyar na kotse ni Xevier, mahigpit na ipinatupad ni daddy sa mga guard namin ang huwag magpapa-pasok ng kung sino.

Kita ko ang pag-tapik ni Xevier sa manibela ng ilang ulit gamit ang hintuturo niya habang naka-hawak siya sa manibela.

May lumapit sa aming guard at hinayaan ni Xevier na bumukas ang bintana sa pintuan ng driver seat. Bakas sa muka ng guard ang gulat nang makita kaming dalawa.

"P-pasensiya na po, Sir Xevier at Ma'am Kracielle. . ." Mabilis pa sa ihip ng hangin itong dumistansya sa sasakyan bago mag-bow, at kasabay naman non ay ang kusang pag-bukas ng malaki naming gate.

Ganoon nalang ang pananahimik ko, kanina pa ako tila napapaso sa kaniya! Parang kahit na sabihing aming bahay ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya.

Napalunok ako nang bumaba siya ng sasakyan, alam kong bubuksan niya ang pintuan sa shotgun seat kaya gusto kona siyang unahan, pero hindi ako maka-galaw sa kina-uupuan ko ngayon! Bakit bigla nalang nag-bago ang aura niya?

"T-thank you..." Utal kong pasasalamat sa kaniya, pakiramdam ko'y kahit ano mang oras ay sisinukin ako.

"Kracielle!" I heard mommy calling my name, mariin kong naipikit ang aking mga mata, 'wag naman na sana---

"Hijo, you're here! Do you want to stay for lunch? Kracielle volunteered to cook, paniguradong mapapadami ka ng kain." I saw how Xevied scratched the back of his nape. Mommy laughed, "Don't worry! sa ganda ng pangangatawan mo ay tiyak akong hindi ka naman agad tataba!" And that's when I blushed!

Oo, totoong maganda ang katawan niya, titignan mo palang siya mula sa likod ay masasabi mo na agad na batak na batak siya sa gym.

"That's not actually what I am worried about, Tita." He looked at me, "Kracielle, I've been with her since morning... I don't want her to feel uncomfortable."

Shoot... Napa-halata ko ba na naiilang ako sa kaniya? pero ayoko namang iparating sa kaniya na kasalanan niya iyon, it's just that... I don't know!

"Huh? E-ehh hindi naman sa ganoon... If you would like to, you can stay." I bit my lower lip for stuttering a lot.

He scanned my face, was it my illusion only? or I did really saw him smiling when he looked down?

Pero bakit naman siya ngingiti, sira ulo ba siya?

Mommy accompanied him, wala na siyang nahanap na dahilan para hindi mag-stay. Samantalang ako naman... heto't hindi alam kung susunod sa kanila, I didn't realize that I was being too obvious earlier! akala ko ay hindi niya mapapansin...

At oo, pwede kong hayaan nalang siyang umuwi na o bumalik sa kahit ano mang gawain niya, pero may parte sa akin ang tila hahanap-hanapin siya, sa oras na umuwi na siya...

At ang mas ikinagugulo ko pa ay kung bakit.

"Pasens'ya kana, sa living room ka muna siguro kung gusto mo." I told him, he smiled and I could feel sweat forming on my forehead.

"Pwede ba kitang tulungan sa kusina?" Oh God, ang boses niya, buong-buo ito akong lalakeng-lalake

I shook my head, "Hindi na." Shit, stop staring at me.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon