"Loka ka! no'n nanga lang ulit tayo nakapag-club ulit nang-iwan ka pang gaga ka!" sumbat ni Jea.
"Sheesh! akala ko talaga that night nai-kama kana!" Binatukan ni Jea si Raizen.
"Shutang 'to, pokpok." Ginantihan ni Raizen si Jea ng irap.
"Nasa harapan ang biyaya, eh." Ipit ni Raizen ng buhok niya sa gilid ng tenga.
Bumaling muli sa akin si Jea na ngayon ay tulala lang sa kawalan, si Raizen ay ang nasa kabilang gilid niya.
"So ano nanga nangyari sa 'yo kagabi?"
Hindi pa ako agad nakasagot dahil hindi nag-proseso sa utak ko.
"Hoy accla!"
Kumurap ako at tumingin sa dalawa.
"Kaya paba today?" Tanong ni Raizen.
Inilingan ko sila, "Ano nga ulit 'yon?"
"Kung saan ka napadpad at kung paano ka naka-uwi?" Taas kilay na ani Jea.
Bumalik ang tingin ko sa harap, nag-dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila na dahil kay Xevier kung bakit ako biglang nawala at kung paano ako nakauwi dahil sa hatid niya.
But, they're my friends...
I sighed while fixing the strap of my tote bag on my shoulder.
"I was with Xevier last night."
"OH MHY?!" sabay silang nagulat.
"Mamamiya so may nangyari nga?" Nakasinghap na tanong sa akin ni Raizen kaya inikutan ko siya ng mata.
"Pinag-sasasabi mo? huminto lang kaming dalawa saglit sa cafe then hinatid na niya ako." Sagot ko.
"Boring." Si Raizen.
Hindi makapaniwalang huminto si Jea at pinaghalukipkip ang mga braso kaya pati kami ni Raizen ay napahinto.
"So you're saying na sumama ka sa lalakeng 'yon?" Akala mo nanay na nag-tatanong sa anak na turan ni Jea. "Rupok mo!"
"Napilitan lang ako!" Depensa ko.
"Parang noong nakaraang araw lang nagmumukmok ka dahil sa kaniya ah." Kung kanina ay g na g si Raizen, ngayon ay nanenermon na din siya gaya ni Jea.
Tumuloy na kami sa pag-labas ng gate, biyernes ngayon at labasan na namin. May hang over pa itong dalawa na pumasok. Silang dalawa ay tuloy-tuloy parin sa pag-sasalita, salamat nalang at hindi ako iyong nasa gitna, kundi ay mabibingi ako sa dalawang 'to!
"May pa-heart broken ka pang nalalaman! akala mo ka naman broken na teenager!-" Naputol si Raizen nang huminto ako at diretso ang tingin sa harapan namin.
Si Xevier at 'yong babae... sa sidewalk.
"Speaking of." Bulong ni Jea na naka-cross arms padin.
They we're kissing...
Itinulak ni Xevier iyong babae.
Please, huwag kang papatak.
"Kracielle tara na! ang kakati!" Hatak ni Jea sa pulso ko kaya nagpa-tianod ako.
Samantalang inirapan naman ni Raizen si Xevier.
"Xevier. What's wrong? you don't like my kisses anymore?"
Napahinto ako at kusang nabawi ang pulso ko kay Jea. Naging mataas ang pag-hinga ko dahil sa emosyong nararamdaman ko.
Dati pa sila nag-hahalikan?
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...