7 years Later.
"Yes, Dad, I arrived safely." Tugon ko kay daddy na nasa kabilang linya.
"That's good to hear. Susunod kami agad ng mommy mo kapag natapos na naming asikasuhin ang milk factory natin dito sa states."
Nag-paalam na si daddy kaya pinutol kona ang tawag.
Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng airport at malawak na napangiti.
Amoy Pilipinas na talaga.
"Pati hanging lalanghapin ko sininghot mo na, ah?"
Limingon ako sa tabi ko at nakitang nakatayo na do'n si Aries. Siya ang kasama kong umuwi ngayon dito sa Pilipinas.
"Ano? diretso ba tayo sa condo mo?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa malaking bintana kung saan makikita ang mga eroplano.
Papasikat palang ang araw kaya umiling ako.
"May pupuntahan muna ako, mauna kana doon at patulong sa mga gamit ko." Hagis niya no'ng susi ng sasakyan na iniabot sa kaniya kanina ng driver.
"Wow, so this is the reason why you told me to come with you?" Natawa ako nang sinimangutan niya ako.
"Dalawang buwan lang naman ako dito, kaya kaunti lang 'yan!" Tukoy ko doon sa mga bagahe na ngayon ay binubuhat na noong mga driver.
Wala siyang nagawa kundi ang pumayag nalang, kabayan ko si Aries, we met each other in the states almost seven years ago.
"Take charge." I command nang makalabas kami sa airport, dala noong driver ang kotseng pinadala ko.
Sumaludo pa siya na animo'y sundalo kaya natawa ako.
"M-ma'am Kracielle! napa-bisita po kayo? mag-aampon ho ba kayo?"
Umiiling akong hinubad ang balanggot ko at ngumiti sa sister na bumungad sa akin.
Walang pinag-bago itong bahay ampunan, bukod doon sa mga bintanang basag ang mga salamin at kulang-kulang na ng bintana ang iba.
Hindi kona namalayang pinagmamasdan ko iyon ng ganoon katagal nang biglang lumakas ang boses ni sister.
"Ma'am?"
"Ah.. hindi, nandito ako para bumisita sa mga bata." Ngiti ko.
Niyakag ako ni sister na pumasok, nagtataka akong tumingin sa paligid dahil hindi ko nakita si Sister Melda at Elda.
Napako naman ang aking tingin sa pasimano ng hagdan nang makita ang mga bata na nakasilip.
Ang daming mga nadagdag na bata.
"Sister Ella, si Sister Melda at sister Elda po?" Tanong ko, ngumiti naman ako sa mga bata at nakita kong natataranta silang bumalik papasok sa silid nila.
Nag-lapag si sister ng tray sa center table na ang laman ang mga biscuit at kape.
"Iyong dating namamahala po ba dito sa ampunan ang tinutukoy mo?"
Tumango ako.
Ang kaninang ngiti niya ay unti-unting napalitan ng lungkot pero mabilis din niya agad 'yon binawi ng ngiti.
"Ako na ho ang bagong namamahala dito, sa katunayan ay pamangkin nila ako... yumao na po ang mga tiya limang taon na ang nakalilipas."
Nanlaki ang mga mata ko sa nabalitaan mula sa kaniya, kung gayon... dalawang taon na ang lumilipas noon simula ng umalis ako bago sila lumisan dito sa mundo.
Mapait akong ngumiti, hindi ko inaasahang sa pag-balik ko ay hindi na sila ang sasalubong sa akin.
Dahil noong nasa ede na lima palang ako, bumibisita na kami dito.
Kaya siguro noong pumunta ulit ako dito kasama si Xevier ay hindi din nila ako naalala dahil sa tagal na ng taon na lumipas, bukod sa talagang matanda na sila at nagiging ulyanin na.
Umiling ako nang biglang pumasok sa isip ko si Xevier.
Ipinag-darasal ko sa lahat ng Santo na sana ay hindi kami mag-kita sa dalawang buwan kong pag-stay dito sa Pilipinas.
"I'm sorry for what happened..."
"Matagal naman na ho 'yon, upo ho kayo." Ngiti niya.
Nag-pasalamat ako at naupo na sa sofa, puro tahi na at halatang pinag-uubra nalang.
"Siya nga pala, iyong mga dating bata dito?" Hindi ko kasi sila nakita sa mga batang nakadungaw kanina kaya isa din iyon sa ipinag-tataka ko, hindi naman kaya nasa kwarto lang?
"Kung Sina Cyrill at Lance po ang tinutukoy mo at ang dati nilang mga kasama, may mga umampon ho sa kanila, karamihan po sa pamilyang dumayo dito ay mayayaman. Iyong iba nga ho ay nag-bigay din ng donasyon."
Nakaramdam ako ng saya at lungkot, masaya dahil nagkaroon na sila ng pamilya, samantalang nalulungkot din ako dahil ang daming nawala dito.
Nang malibot ang buong bahay ampunan ay tinawagan ko agad si Aries na tutulong sa project kong 'to.
[ "Ano? Natandaan mo ba iyong mga kailangan ng mga bata?" ]
Nakahawak ako sa steering wheel kong napa-buga ng hangin at tumingala para palagutukin ang nangangalay kong leeg dahil sa pagod.
"I was wondering, I could extend my stay here and build a new orphanage house. What do you think?"
I tapped the steering wheel using my index finger while waiting for his answer.
[ "That would be a lot of works to do, but I'm here to help, though." ]
Napangiti ako at tumingin sa bahay ampunan mula sa bintana.
"I knew I can count on you."
[ "Asus, nambola ang maganda. Umuwi kana at mag-pahinga!" ]
"Oo na, tay." Natawa pa kaming parehas bago ako nag-paalam.
Kinabukasan ay dumiretso ako sa meeting room, inabot kami ng tanghali bago iyon natapos.
"Meeting adjourned." Pag-tatapos ko bago sila nag-labasan.
May tinawagan pa akong engineer na tutulong sa amin at nakausap ko naman ito ng maayos kaya hindi na kami nahirapang mag-hanap. Kung hindi daw bukas ay baka bukas sa makalawa niya sabihin ang mga magagamit na materials.
Lumabas nadin ako ng meeting room at ilang kliyente pa namin ang bumati sa akin kaya nakangiti akong bumabati pabalik sa kanila.
Nag-mamadali akong pumasok sa loob ng elevator para bumaba sa first floor. Simula 12th floor ay bumaba ito sa 9th floor, binati ako noong mga empleyadong pumasok kaya binati ko sila pabalik.
At bilang Ma'am nila, sa harapan nila ako pinatayo.
bumukas muli iyon sa 7th floor at karamihan ay lumabas na, may apat o tatlo lang na natira ulit bago may pumasok na dalawang tao.
Sa kasamaang palad ay nadunggol ako no'ng isang empleyado pero hindi ata iyon napansin kaya hinayaan ko nalang at pinulot iyong mga papeles na nalaglag mula sa pagkakaipit sa folder.
May lalakeng yumuko at tinulungan akong pulutin ang mga iyon kaya napadali.
"Salamat." Angat ko ng tingin pero napamulagat ako nang mapag-tanto kung sino iyon.
Hindi ko maiwasang mag-init ang sulok ng mga mata dahil sa inis, lalo na noong parang wala lang niya akong tinapunan ng tingin at tumabi na sa akin kasama iyong parang secretary niya.
Napabalik nalang din tuloy ako sa pagkakatayo at idiniretso ang tingin sa harapan sa pinto ng elevator na ngayo'y pasara na.
Tila hindi narinig ng mga Santo 'yong pinag-dasal ko.
Dahil nandito na ngayon sa tabi ko ang lalaking ipinag-dasal kong huwag ko sanang makikita!
![](https://img.wattpad.com/cover/310313516-288-k875265.jpg)
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...