Chapter 31

1.8K 53 6
                                    

"Who's that?" I asked Ferissa who's now holding my phone.

"Oh, nothing!" I know someone's calling.

Nag-dududa ko siyang tinignan. "Mauna kana," Maikli kong sabi.

Tumango naman siya at iniabot sa akin 'yong cellphone.

There's nothing, baka nag-kamali lang ako sa akalang may tumatawag.

Kanina ko pa siya hinihintay na tumawag.

I tossed my phone on the bed, what is she even doing here?

Pinapatawag ni Mom sa akin si Xyan, pero hindi ko siya makita.

Nakatalikod ako habang isinasara ang pinto ng kwarto ko, naitulak ko si Ferissa ng marahas nang tangkain niya akong halikan pag-harap ko.

"What the fuck is wrong with you!?" I shouted, narinig kami sa baba kay umakyat iyong mga magulang namin.

Madilim ang tingin ni Dad sa akin.

Nanggilid ang mga luha ni Ferissa, but I am not even sorry.

Nakakasakal siya! mas tanggap ko pang tinanggap niya lang 'tong engagement para sa interest ng mga magulang namin, pero ang ipag-siksikan ang sarili niya sa akin habang may mahal akong tao!?

"We are sincerely sorry for what happened, we will talk to him." Kausap ni Dad iyong pamilya ni Ferissa na nagalit sa inasal ko sa anak nila.

The fucking irony.

Si Xeren ay magkahalukipkip ang mga braso habang nakatayo sa dulo ng hagdan, si mom naman ay nasa likuran ni Dad na ngayon ay patungo na dito sa sofa kung saan ako nakaupo.

I know he will yell at me.

Tumayo ako at ibinuka ang bibig para humingi ng tawad sa ginawa ko kanina pero mabigat na kamao ang natanggap ko mula sa kaniya.

Agad na lumapit sa akin si Xeren upang tulungan akong tumayo.

"Dad, stop hurting him!"

I didn't say a word, hinayaan ko lang na maramdamang tumulo ang dugo mula sa ilong ko.

"Kuya, m-may dugo-"

Tinalikuran ko lang sila at umakyat ng kwarto ko, I was stunned to see Xyan inside while holding my phone.

"Ate Kracielle is calling, kuya."

Taka kong kinuha ang cellphone ko mula sa kaniya, pero wala naman akong nakita.

"Are you sure?"

Xyan nodded.

I'm still hesitating whether to text her or not...

Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumitipa sa telepono ko.

***

「 Please wait for me. | Send

***

"Where are you going?" Madiin ang boses ni Dad nang itanong iyon.

Nakaupo sila sa sofa at nilagpasan ko lang sila dahil hinihintay na ako ni Kracielle.

"Huwag mong sabihin na pupuntahan mo nanaman 'yong babaeng 'yon?" Hindi ko nagustuhan ang pag-banggit niya kay Kracielle lalo na ang tono niya. "Baka nakakalimutan mong muntik ka ng makulong dahil sa lintik na Kracielle na 'yon!?"

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon