Chapter 18

2.2K 59 16
                                    

Sa bandang huli, nagtulong nalang kami sa pag-ligpit.

Nag sorry pa siya dahil hindi siya nakapag luto ng iba bukod sa vegetable soul niyang niluto. Naintindihan ko naman dahil mahina pa ang katawan niya at hirap pa siya sa panlasa dahil kakagaling niya lang sa lagnat.

Itinaktak ko ang huli plato para tumiktik at iniabot ito kay Xevier para punasan bago itabi. Nagpatiktik na din ako ng aking kamay at nag-punas ng kamay.

Napako ang tingin ko sa kaniya at sa pagpupunas niya ng mga plato. Tila may malalim siyang iniisip... Tama ba kung tatanungin ko siya? pero ayokong mailang siya at iwasan lang niya ang itatanong ko...

Napatigil ako nang biglang mandating ang ilong ko at napabahing.

"Achoo!" Bahing ko at napatakip sa bibig habang gulat na nakatingin kay Xevier na napahinto din sa ginagawa.

Humagikgik siya ng tawa na labas ang ipin.

"Bless you."

Ipinagpatuloy niya na 'yung ginagawa niya at ang nagawa ko nalang ay pagmasdan siya dahil wala naman na akong gagawin bukod sa hinihintay siyang matapos.

This is the first time I saw him wearing only t-shirts apart from business attire and long sleeves that he wears.

And I won't lie because he looks mad attractive at every style or clothes he wears.

"You're staring at me too much." Pitik niya sa noo ko kaya napapikit ako at napahimas ng noo, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin.

Masama ang tingin ko sa kaniya at ibinaba na ang kamay kong naipanghimas sa noo.

He smiled and he teasingly raised his eyebrows for several times at me.

Napabuga ako ng hininga at inikutan siya ng mata. "I am not."

"You are."

"Hindi nga."

"But, you are."

"Isa pa kukurutin na kita sa utong."

"Yeah, you are right. You did not." Sagot niya.

Ngiting tagumpay nanaman ako, hehe.

Parehas kaming napatingin sa cellphone na tumutunog sa lamesa.

Cellphone ni Xevier.

Linapitan niya ito at kinuha habang ako ay pinagmamasdan lang siya ng tingin, tinignan niya muna 'yung screen para tignan ang caller I.D. pero pinatay niya lang ito at ibinaba na.

Muli siyang lumingon sa akin.

"Can I leave for thirty min--" Napahinto siya nang cellphone ko naman ang nag ring. Kinuha ko ito na nakapatong malapit sa itaas ng refrigerator.

Unknown number. . .

Ako naman ang napatingin kay Xevier.

As far as I could remember, this is Shelo's number...

Hindi ko naman na kasi isinave ang number niya, basta ang alam ko ay ito ang ginamit niya noon nung pinapunta niya ako sa cafe.

pinatay ko ang tawag at ibinalik sa itaas ng refrigerator ang aking phone sabay ngiti ko kay Xevier na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano ulit 'yon?"

Rinig ko ang pag-buntong hininga niya.

"Is it okay if.... I left you alone here for thirty minutes?"

Dahan-dahan akong napatango kahit na sa totoo lang ay gusto kong malaman kung saan siya pupunta.

"Oo naman, kasama ko naman 'yung mga maids." Paniguro ko.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon