Lumipas ulit ang maghapon ko at nang nagising ako kinaumagahan ay nabigla ako sa nalaman ko.
Sinuswelduhan naman ni daddy ng maayos 'yong mga trabahador niya, kaya bakit-
"Halos kalahati sa mga kotse natin at nawawala, nahalata lang iyon ng daddy mo noong bumisita siya sa garahe natin para i-check iyong mga kotse, kung maayos pa ang mga ito." Paliwanag ni mommy.
"Sa katunayan ay noong isang araw pa dapat ito inaasikaso ng daddy mo. Pero inuna niya 'yong nangyaring insidente sa'yo."
"Sinuswelduhan kayo ng maayos at ito ngayon ang igaganti niyo!?" Galit at mataas ang boses na anang ni daddy sa mga tauhan niya. Lahat ng mga drivers namin ay present ngayon.
Kahit sino, kahit mga maids at personal guards namin ay nandito. Pati iyong CCTV's operator namin.
"You." He pointed at our CCTV's operator. "Isn't it your job to check around? nakapalibot ang mga CCTV dito at wala ka manlang napansing kakaiba!?" The CCTV's operator gulped because of the tone of daddy's voice.
"P-pa-p---" Tagatak na ang pawis noong lalaki. kawawa naman...
Ni-Isa sa kanila ay hindi makapag-salita kaya naman naisipan ko ng maki-sabat.
"Huwag ho kayong matakot mag-salita... hindi naman kami magagalit." Mahinahon na sabi ko.
Tututol pa sana si daddy tungkol doon sa sinabi kong 'hindi kami magagalit' Pero pinanlakihan siya ng mata ni mommy. Walang nagawa si daddy kundi ang pumamewang at tumingin sa itaas habang tumatagis ang panga sa sobrang inis.
Ibinalik ko ang atensyon sa mga trabahador namin at tinanguan sila ng dahan-dahan. Giving them the urge to speak.
Pero wala talaga. Ayaw nila.
Gumuhit muli ang galit kay daddy kaya nakapagtaas siya ng boses.
"I already gave you all 24 hours! Yet, no one will still speak!?"
Pati ako ay napalagok na.
"This is actually the reason why Xevier volunteered to pick you up." Mom whispered.
Bago pala ang mga pangyayaring iyon ay may nangyayari na dito.
Should I be thankful because Xevier is the one who picked me up that day? or what? Dahil hindi ako nakatitiyak kung nasa matinong kalagayan parin ako ngayon kung hindi si Xevier ang sumundo sa akin. I am not even sure if buhay parin ako ngayon!
I sighed. "All of you." I started.
"Speak, now." I demand. Hindi ko maiwasang ma-corny-han sa sarili ko, pati ako ay hindi sanay sa pagiging bossy.
Nagkatinginan pa sila dahil sa biglang pag-bago ng pananalita ko. I know they are not used to this kind of me.
"Pa-patawad po!" Dagat ng mga tao ang nasa harapan namin dahil sa dami nila kaya napatingin kami sa gawi kung saan may lumuhod at bigla nalang humagulgol habang nag-mamakaaawa. Lumihis ang mga tao doon.
"A-ako din po!"
"P-patawad din po!"
"Huwag niyo po kaming ipakulong, n-nag mama kaaway ho ako!"
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...