"Nag lunch kana ba? Hatian mo ako d'yan sa dala mo."
Nangingiti siyang bumalik at naupo sa isa sa mga swivel chair sa harap ng desk ko.
"Sa susunod 'wag mo na akong dadalhan."
Muli siyang napasimangot. "Bakit naman hindi?"
"Just don't." Pag-tapos ko sa usapan namin.
Wala parin siyang pinag-bago, hindi parin marunong makuntento sa isa.
Kinuha kona sa ilalim ulit iyong kinakain ko kanina para ipatong sa desk, nag-salubong ang kilay ni Xevier nang makita iyon.
"Saan 'yan galing? niluto mo din?" Usisa niya nang makitang nakalagay lang iyon sa lunch box, napag-tanto niya din sigurong hindi ako nag grab o nagpa-deliver.
"A friend of mine did." Simpleng tugon ko sa sagot niya, nakita ko kung paano siya nag-pipigil na itanong kung sino pero umiling nalang siya sa sarili.
Nang buksan niya iyon ay umamoy sa opisina ko, mistulang nag-amoy ulam na dito sa loob ng opisina ko!
Huminto ako sa pag-kutsara ng kanin nang lagyan niya ako ng karne doon sa lunch box. 'Yung dala niyang kanin ang naging kanin niya dahil meron naman na ako.
Nagtataka ko s'yang tinignan, "Ano 'to?" Tanong ko, hindi ito pamilyar sa akin bukod sa mga beans at karne na nakikita kong ingredients.
"Pork and beans." Ngiti niya sa 'kin, ginawa niya lang English, eh.
Hindi iyon pamilyar sa akin kaya humiwa ako gamit ang kutsara sa tulong ng pag-tusok ko ng tinidor atsaka iyon sinubo.
Nang manamnam ko ang karne ay hindi ko maiwasang mamangha.
"Masarap?"
Hindi ko namalayang napatango na pala ako sa tanong niya. "Masarap..."
Gusto ko pa sana kumuha doon sa lunch box kung saan nakalagay iyong dala niyang ulam pero nahihiya ako.
I saw him smiled before he put another three of the sliced meat in my lunch box.
Ramdam kong pinamulahan ako sa tinuran niya pero agad ko ding binura sa isipan 'yon.
"S-salamat."
Mas napangiti siya at lumabas ang ngipin niya. Dinaig 'yong ngipin ng mga nasa commercial ng toothpaste dahil sa puti ang pagkakapantay-pantay.
Sabagay, kahit naman noong mga bata palang kami hindi na talaga siya mahilig sa mga candy.
"May dumi ba?"
Napapikit ako nang mariin bago muling mag-dilat ng mata. Hindi ko namalayang ilang segundo din pala ako nabingi dahil sa katititig sa kaniya.
"Nasimulan naba nila?" Tukoy ko doon sa bahay ampunan.
Tuloy-tuloy lang ang subo ko dahil nadin sa sobrang gutom. Ni-wala sa akin kahit kaharap ko ngayon si Xevier.
"Yep, magaling iyong nakuha nating engineer at architecture." Litanya niya.
Natapos kaming dalawa mag-lunch na nagku-kwentuhan, aminado akong natuwa ako sa naging lunch namin kanina, hindi lang sa dahilang nabusog ako, noh! kundi dahil hindi kami naging awkward sa isa't-isa. Sa katunayan ay nabitin ako sa kanin, kaya binigyan niya ako doon sa kaniya. Tapos may dala din siyang naka-bottle na buko juice, tig-isa kami no'n. Sabi niya binilhan niya iyong nag-lalako kanina sa kalsada habang nasa daan siya papunta dito.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...