Chapter 2

4.1K 122 2
                                    

"Your eyes are sparkling, they're beautiful." He complimented.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tinititigan niya ba ako?!

Kung hindi lang siguro ako nahihiya dahil sa kanina baka naduro ko na mata nito. Joke lang.

"P'wera usog po." Kita ko ang pagkunot ng kaniyang makinis na noo.

Ako na ang nag kusang humiwalay at umalis sa pagkap'westo namin bago mag-salita ulit.

"Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Can't blame you. You have been so clumsy ever since earlier, papasok kapa nga sana, right?"

Whattt!? Nahalata niya?!

Medyo namula ako dahil sa hiya. Oo aminin ko na. Hindi ko naman na maitatago, eh!

Daig ko pa ang napaso!

Nagtaas ako ng isang kilay at tinignan siya ng may halong maang.

"F-for your information, m-may requirements kami sa school for this last sem na mag take ng picture." Totoo naman 'yun. Ang kaso matagal ko nang tapos 'yung akin. Pero hindi naman niya malalaman.

"If you say so," Tipid na aniya at nag lakad papunta sa study table ko, akala ko kung ano ang gagawin niya pero walang paalam siyang naupo sa swivel chair ko.

'Yung totoo, nakumbinsi ba siya nung sagot ko?

He leaned back on the swivel chair as he closed his eyes. I blinked.

Ano ba trip nito? Matutulog dito sa kwarto ko? Pwede naman siya sa ibang kwarto tumambay at itong kwarto kopa ang naisip bulabugin.

Ang daming kwarto dito, bakit dito pa? tsaka akala ko ba maliit??

Pabuka na sana ang bibig ko para sitahin siya, pero nakita kong pikit na pikit ang mga mata niya. Ang haba ng mga pilik mata niya, ang sarap bunutin hehe.

Wala sa loob ko na napagmasdan siya. Nagtatrabaho na kaya siya? Naka business attire kasi siya at base sa itsura niya, mukang hapong-hapo siya. Akala ko ba naman kanina tinatamad lang siya.

Sabagay, mukhang businessman din ang tatay niya, kaya hindi na nakapagtataka kung nagha-handle nadin siya ng business nila.

Mirvalles.

Tsk! Nasa dulo na ng dila ko, eh! Sobrang Pamilyar sa'kin.

Mirvalles, Mirvalles...

...

Ah!

Sila 'yung ano!!

'yung ano na ulit 'yon..?

Napakamot nalang ako sa sariling batok sabay bagsak ng upo sa kama ko.

Napatigil ako sa paghimas sa'king batok nang maalala ko na--

Halos manlaki ang mga mata kong napatingin kay Xevier at kulang nalang mapatalon nang maabutan ko siyang nakatingin din sa'kin.

Nagtataasan ang mga balahibo ko dahil sa paraan ng pagtingin niya, kinikilabutan ako. Tila kasi basang-basa niya lahat ng kilos ko.

I saw how a devilish smile lined on his lips.

"You just realized?" Sabay tayo niya.

"A-ang alin?" Kunwaring maang kong tanong. Sobra-sobrang kalutangan na ang nangyayari sa'kin ngayong araw!

"Pfft.." napataas ang isang kilay ko. Anong pfft? "May ilalala paba 'yan?" Ano bang pinagsasasabi nito?

"Ano ba sinasabi mo? Just shoot to the point already."

Tumawa siya nang mahina. Ang ganda ng sagot niya, baka kung siya si Google literal na mai-stress ka.

Bakit ba hindi pa siya lumalabas? Ang sabi sa kumakalat sa University namin. Mas allergy pa sa allergy sa babae si Xevier. Kulang nalang ay mag-ibang bansa siya para lang makalayo sa mga babaeng umaaligid sa kan'ya.

Eh bakit siya nandito ngayon?? Isa ba'to sa mga way niya para makita siya nila mommy at daddy as a 'maginoo'? hahaha! wala pa sa kalahati. Okay, next group!

Pero as long na di niya ako dinidiwaraan edi go, mukhang friendly naman siya sa oras na 'to.

"Are you already like that since birth, Kracielle? Don't get me wrong, I mean... palagi ka ba talaga wala sa sarili mo?"

"Excuse me?" Napatayo ako sa pagkaka-upo ko sa kama. Sira ulo ba'to?! Binabawi ko na, hindi po talaga siya friendly.

"Ikaw naman? Are you already like that since birth? gwa-- ayy!! Malabo talagang makipag-usap?" Malakas ang boses kong palatak.

"Ano naman malabo sa mga sinasabi ko? It's crystal clear, isn't it? You are just too slow."

Realtalk 'yun, ah.

"Hindi kaya natataranta ka dahil sa akin?"

"Wow! Biglang hangin, ah! Hindi kapa ba uuwi? Lumalakas pa ata 'yung ulan, eh."

"You don't want me here?"

"Nakaka insulto kana kasi!" Asar na sagot ko. Napalakas nanga ata ang boses ko.

Naging tahimik bigla ang paligid matapos umalingawngaw na boses ko, hindi ko rin mabasa 'yung tingin ng mga mata niya. Dahil ba nakapagtaas ako ng boses?

Inayos niya ang kan'yang necktie.

"Yes. You had been acting so clumsy, but I don't intend to insult you," Saad niya bago tumayo at inayos naman ang nagusot niyang damit dahil sa pagkaka-upo.

"I just found it cute, Kracielle Acedre."

"Kuya? Uuwi nadaw sabi ni mom!"

Lumabas si Xevier ng kwarto na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

Napasama koba loob niya..? At tama ba yung narinig ko na sinabi niya..?

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon