Chapter 15

2K 56 8
                                    

"Thank you, Xevier." Nakita ko mula sa maliit na bukas ng pintuan na tinapik ni daddy si Xevier sa balikat, Tumango naman siya bago sila mag kani- kaniya ng alis, si Xevier naman ay nakita kong naglakad palapit sa pintuan.

W-what happened?

Napaupo ako sa kama nang mas bumukas ang pinto at pumasok si Xevier sa loob ng kuwarto.

Akmang lalakad na siya sa direksyon kung nasaan ang kama ko pero napahinto siya nang makita akong nakatingin sa kan'ya.

Lumapit siya sa akin at pina-higa ulit, pagkatapos ay naupo siya sa upuan na malapit sa kama.

"Kamusta? May masakit pa ba sa'yo?" Nakatuon ang aking atensyon sa kaniya habang tinatanong niya ako.

Hindi maiwasang mag luha ng mata ko habang parehas kaming nakatingin sa isa't isat.

"Hey..? why are you crying?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kabilang gilid upang maiwasan ang mga nag-aalalang mata niya na nakatuon sa akin.

"How are you feeling?" I don't know the right answer either, Xevier....

"Please answer me.."

"Xevier."

"Yes?"

Muli akong nakipag tamaan ng tingin sa kaniya.

"U-umalis ka muna, gusto kong mag-pahinga." Hindi siya umimik, sinasalubong lang niya ang aking mga titig habang tila binabasa ako.

Napayuko siya at tumayo.

"Take a rest, I'll go home." Nanlulumo ang boses niyang sambit bago maglakad papunta sa pintuan para lumabas.

Bakit gano'n? gusto kong umiyak nang umiyak, gusto kong magalit, gusto kong sumigaw na tila matagal kong hindi nailabas.

What is wrong? Is it something wrong with me? Ano ba'ng mali sa'kin?

Dali dali akong bumaba ng kama at tumakbo papunta sa tapat ng bintana para sumilip, naabutan kong paalis na si Xevier sakay ng kaniyang kotse. Nasundan ko nalamang ng tingin ang sasakyan niyang paalis hanggang sa tuluyan na itong makalayo.

May parte sa akin na gusto kong sumunod sa kaniya at pigilan siyang huwag munang umuwi, pero kalahati din sa akin ang tila sinasabing hayaan ko nalang siyang umalis.

Napatingin nalang ako sa daan kung saan dumaan ang sasakyan ni Xevier na ngayon ay hindi na kita mula sa mansion dahil sa layo na nito.

Bumalik nalang ako sa aking kama at naupo sa gilid nito habang tulala sa sahig, kita ko ang rekplasyon ng aking sarili sa tiles.

Unti unting tumulo ang aking mga luha hanggang sa mapahikbi nalang ako.

Kusang gumalaw ang aking mga kamay para kuhanin ang cellphone sa night table. Agad kong pinindot ang number ni Xevier habang patuloy padin sa pag agos ang aking mga luha.

Nanginginig ang aking kamay at nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba siya para bumalik.

Napahawak ako sa noo at inilapag ang cellphone sa tabi.

You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon