Kasalukuyan akong naka upo ngayon sa sofa namin sa living room habang naka patong sa hita ang MacBook.
"Wala kaba talagang balak sagutin si Shelo? hahaha!" Saad ni Raizen.
"Atat lang? baka naman nagpapakipot lang hahaha!" Tugon naman ni Jea tsaka sila nagtawanan.
"Tigil tigilan niyo 'ko." Utos ko sa kanilang dalawa "And FYI, Shelo? cchhh... nakalimutan niyo na ba kung ano ang dahilan kung bakit sila nag break ng jowa niya noon?"
"Of course, but didn't he tell you nung umamin siya na handa niyang gawin ang lahat, kahit pagbabago, basta mapasagot ka niya?"
"Y'know that I trust action more than words." I simply said kaya parehas silang napatango.
"Sabagay, and ikaw man magka gusto sa o sa isang prinsesa?kailangan mong paghirapan para makuha ang matamis na oo ng isang prinsesa noh!" Ani uli ni Jea at nag-apir pa silang dalawa ni Raizen sa screen.
Si Shelo, siya lang naman ang umamin sa'kin sa harap mismo ng University na pinapasukan naming magkaka-ibigan, nung mismong uwian.
Kainis lang kasi! Sigurado ako na pagpasok ko, libong bulungan nanaman ang maririnig ko mula sa mga estudyante do'n!
"Anyways, punta ba tayo sa night party ni Judy mamaya?"
"Sure, para naman hindi puro schoolworks pinoproblema natin." Sagot ni Jea, List-list kasi ang mga projects at schoolworks namin these past few weeks.
Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang front door at nakita ko sila mommy at daddy na kakauwi lang, naka uwi na pala sila nang diko namamalayan.
"Hi sweetie, how are you here?" Lumapit sa'kin si mommy at gano'n din si daddy na kakatapos lang kausapin 'yung katawagan niya sa cellphone.
Inalis ko muna 'yung naka patong sa hita ko bago ako tumayo para salubungin sila.
"Okay lang naman po.." Yumakap ako kay mommy habang si daddy naman ay nag cross arm habang pinapanood kami ni mommy.
"We're sorry dahil napapadalas ang alis namin ng daddy mo anak, don't worry because we will make it up to you... maybe sa birthday mo." Ngiti sa'kin ni mommy kaya ngumiti din ako at napatango.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap kay mommy nang may naalala ko.
Ayoko naman kasi umalis ng hindi nagpapa-alam.
"Oo nga po pala mommy at daddy, may night party po si Judy tonight, magpapa-alam po sana ako kung pwede ako pumunta... along with my friends po." Humakbang si daddy palapit sa direksyon namin ni mommy.
"We have a guest tonight, they are going to join us for a dinner." Dinner? Kaya ba sila maaga umuwi ngayon? Usually kasi inaabot sila ng gabi, pero minsan lang naman mangyari sa isang buwan at hindi sila nawawalan ng time sa akin kaya iniintindi ko nalang sila.
"Who are they?" Tanong ko.
"One of my friend's family, so get ready, they will be here at 7:30 pm." Dagdag ni daddy bago maglakad paakyat ng hagdan.
Ha? Sino 'yon? Madaming kaibigan si daddy kaya kahit anong gawing hula ko baka walang tumama.
At saka parang mas keri ko pumunta ng night party.
"Mommy.. pwede po kayo nalang please?" Ngumuso pa ako at nagpa cute kay mommy pero mukang wala namang effect.
"Hayaan mo na anak, minsan lang naman, eh." Ngumiti pa muna sa'kin si mommy saka hinimas 'yung buhok ko.
May inutos pa muna si mommy sa mga maids bago siya sumunod kay daddy sa kwarto nila.
Wala naman akong nagawa kaya hinarap ko ulit 'yung laptop ko saka sinabing may dadating kaming bisita at nagpa-alam muna sa kanila na mamaya nalang ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/310313516-288-k875265.jpg)
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...