Prologue

224 5 0
                                        

My mother is carrying my little brother, Kielton while escorting me outside. Naroon si Papa na nasa labas ng sasakyan at hinihintay ako. Nang makita kami ay agad ngumiti si Papa at lumapit sa amin. He kissed my little brother's forehead and my mother's lips.

"Ihahatid ko muna si Yara. Ingat kayo rito ni Kiel, hm?" My father told my mother. Mama Kali nodded and kissed my father's lips before kissing my cheeks. My heart melted when Kiel reached for my cheeks, as if trying to touch it. Hinuli ko naman agad ang kamay niya at hinalikan.

"Papasok muna si Ate sa school, hm? Behave ka rito kay Mama, hm?" sabi ko at ngumiti sa kapatid kong nakatingin sa akin na akala mo'y naiintindihan ang sinasabi ko.

"Yuri, dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya, ha?" My mother turned to me. "Ikaw naman, 'nak, kumain nang maayos, ha? May allowance ka naman para pangkain mo. Mag-iingat kayong dalawa," my mother reminded us before my father and I went inside the car. Kumaway pa ako ng isang beses sa kapatid ko at sa nanay ko bago umandar ang kotse.

My father is always the one bringing me to school. Pagkahatid kasi niya sa akin, didiretso siya sa hotel at resort namin para magtrabaho. MadriHotels and Resorts expanded through the years so, my father got busy. My mother prefers to stay at our house to take care of my seven-months old brother, Kielton Ace who was named after my mother's brother who's in heaven now.

I'm in my 12th grade, a senior high school student. Ilang buwan na lang at graduate na ako ng senior high school kaya naman ginagawa ko ang lahat para pagbutihin ang pag-aaral ko. I know, my father can provide for my college but, I want to be able to help. Minsan nga ay naiisip kong mag-working student para makatulong ako sa pag-iipon para sa graduation fee pero, ang sabi ni Papa ay kaya naman niya.

"What are you thinking, hm?" My Papa Yuri's voice snapped me out of my thoughts.

"Wala naman po, Papa. Random lang," sagot ko. Papa looks like a cold and emotionless guy because of his features but, he is a true softie. Sabi ng iba ay mukha rin daw akong hindi namamansin kaya napagtanto kong baka sa tatay ko 'yon namana.

"Kumusta ka sa school, 'nak? Ikaw ang president ng klase niyo, hindi ka ba pinapahirapan ng mga kaklase mo?" my father asked and it made me smile knowing that he's keeping track of my school life. Kahit gaano siya kaabala sa trabaho, nagbibigay siya ng oras para kumustahin ako.

"Mahirap po no'ng una..." pagkukwento ko. "Pero, sa tulong naman po ng ibang officers at pati ng classmates ko, nairaraos naman po," ani ko.

My father nodded. "Treat your classmates well, okay? Hindi porket president ka, magmamataas ka. Tandaan mo na pagkatapos ng araw, pare-pareho lang kayong estudyante, 'nak," pangaral ni Papa. Alam ko naman na hindi niya sinabi 'yon dahil masama akong estudyante o anuman, sinabi 'yon ni Papa ko para palalahanan ako.

"Opo, Papa. Alam ko naman po 'yon, hindi ko po nakalimutan," sagot ko. "Ang sabi niyo rin po, ang isang leader, marunong makinig at hindi ko po aalisin 'yon sa akin," dagdag ko pa nang maalala ang mga payo nila nang malaman na class president ako.

Hindi naman na bago sa akin ang maging president pero, mahirap pa rin dahil iba-iba kami ng personalidad. Kaya naman mahirap talaga pero bilang presidente na pinagkakatiwalaan nila, ginagawa ko ang makakaya ko para maging maayos ang pamamalakad ko sa classroom. I set up rules for them and it's really appreciating to see them following rules I conducted.

But of course, there's still some hard-headed ones.

Nang makarating sa tapat ng school, humalik ako sa pisngi ni Papa Yuri at nagpaalam. Maaga pa kaya hindi ako masiyadong nagmadali sa pagpasok sa classroom.

"Good morning, Kuya Darwin!" bati ko sa gwardya na naroon at nagkakape. Ngumiti ito sa akin at bumati rin bago lumapit.

"Oh, Yara! Bubuksan mo na ang classroom niyo? Iniwan sa akin ng adviser niyo ang susi. Kapag dumating ka raw ay sa 'yo ko ibigay dahil baka ma-late siya ng dating," aniya kaya napatango ako.

"Na-message na rin po ako ni Ms. Coleen tungkol po riyan, salamat po sa pagsabi," sambit ko. "Nasaan po pala 'yong susi?" Inabot naman ito sa akin kaya muli akong nagpasalamat at nagpaalam na.

Isa sa responsibilidad ko bilang president ang pagbubukas ng classroom. Madalas na iniiwan sa guard ang susi ng classroom namin at madalas naman ay pinapauwi sa akin ng adviser namin. So, there are times that I had to go to school early. Nakakahiya naman kasi kung mauuna ang mga kaklase ko at maghihintay pa sila sa labas.

Binuksan ko ang classroom namin at nakita ang medyo magulong mga upuan. Inilapag ko ang bag ko at nagsimulang ayusin ang mga upuan. I was humming when the door opened and I saw some of my classmates entered.

"Good morning, Yara!" bati sa akin ni Jian. Tumango rin sa akin ang kaibigan niyang si Rena.

"Magandang umaga," bati ko pabalik. Naglapag ng gamit ang dalawa at tumingin sa akin.

"Ang aga mong maglinis," ani Rena at nakita kong kinuha niya ang walis tambo at nagwalis kaya napangiti ako. Si Jian naman ay nilinis ang blackboard na may nakasulat pa.

Naglinis kami ng classroom hanggang sa matapos kami at marami nang kaklase ang nasa classroom. Alas syete na at wala pa ang first subject teacher namin kaya maingay pa rin ang mga kaklase ko.

I remained sitting on my seat, reading books until the door of the classroom opened. Akala ko ay ang teacher namin 'yon pero, hindi. Pumasok ang tatlong lalaking kaklase namin at sa unang beses ngayon araw, inis akong napabuntonghininga ako.

They were laughing as they walk towards their seats when I stood up. Napansin kong ang ibang kaklase ay natigil at napatingin sa akin.

"Samonte," mariing tawag ko sa lalaking tawang-tawa pa. Napalingon sa akin ang mga kaibigan niya at bahagyang nanlaki ang mata. Tinapik nila ang kaibigan.

"Janus, tawag ka ni Yara," sabi ni Sixto na bahagya pang ngumiti sa akin. Unti-unti ay humarap sa akin si Samonte. Magulo ang buhok, nakasukbit ang isang strap sa balikat, nakabukas ang tatlong butones ng uniporme at hindi maayos ang neck tie.

"Uy, magandang umaga sa magandang president!" masiglang bati niya at humakbang palapit. "Anong maitutulong ko?" nakangising tanong niya.

I sighed and pointed at his uniform without using my fingers, I gestured using my hands instead. "Can you atleast fix your uniform? May rules tungkol sa maayos na pagsuot ng uniform. Kung ayaw mong i-report kita sa guidance office, ayusin mo 'yang uniform mo," sambit ko.

The school has a strict rules about unuform and as a class president, it's my duty to check my classmate whether they are following the school's conducted rules or not. Alam ko naman na hindi lahat ay susunod sa akin pero, may tiwala rin ako sa mga kaklase ko kaya kapag ganito ay hindi p'wedeng hindi ko pupunahin.

He remained silent, staring at me making me more frustrated. Nilingon ko ang mga kaibigan niya at bumuntonghininga.

"Look at your friends, they're wearing their uniforms properly. Kaya ikaw, ayusin mo 'yang uniporme mo. Nasa school ka kaya sana maging disiplinado ka sa pagsusuot ng uniform," pangaral ko at humalukipkip. He suddenly dropped his bag on the floor and his hands started fixing the buttons of his uniform. Ang mga mata niya ay diretso ang tingin sa akin habang ang kamay ay gumagalaw.

He fixed his tie without even glancing at it. Tatalikod na sana ako dahil nakita kong inaayos naman na niya pero, natigilan ako.

"Uy, tangina ka! Nasasakal ka na!" I heard Arvin, one of his friend, said. Napalingon ako at nakitang halos masakal na ang pasaway.

Agad akong lumapit at inayos ang necktie ni Samonte. Napahinga naman siya nang maluwag nang maayos ko ang tie niya. I didn't say anything as he sighed and smiled at me.

"Ayan, maayos na. 'Wag ka nang magalit, hmm? Hindi bagay sa 'yo ang nakasimangot," aniya bago pinulot ang bag at tumuloy na sa upuan niya.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon