16.

30 3 0
                                    

I'm pretty sure, I told myself that I don't have any plans to entertain someone. I'm sure that I told myself that I prefer studies over any involvement to romantic stuffs. Also, I'm pretty sure, I said to myself that I would never be interested to someone unless I have a stable job and life.

But, why is my heart getting affected to whatever Janus Rigor is saying?

Sa mga nakalipas na araw, hindi nahiya ang lalaki na ipahalata ang nararamdaman niya. He would always send me a smile, either sweet or the teasing one. He would always tell me how he find me so beautiful and it's doing strange things to my heart. He would always accompany me until my father arrives. He would always do sweet stuffs and even say words that's making me blush.

Akala ko ba maangas ka, Yara? Bakit kinikilig ka sa pinaggagagawa ni Janus?

"Magandang umaga sa maganda kong president!" my eyes looked up from the paper I'm reading. Nasalubong ko ang mga mata ni Janus na nakatitig sa akin. He has a soft smile on his face while standing in front of me.

I cleared my throat. "Magandang umaga. Ang aga mo," sabi ko sa kaniya, pilit na iniignora ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

He pointed at the seat beside me, asking for permission and I just nodded. Naupo siya sa harapan ko bago humarap sa akin.

"Siyempre! Matagal ko nang sinabi sa 'yo na nagbabagong buhay na ako. Ayaw ko naman kasing bigyan ka pa ng problema dahil sa pagiging pasaway ko," sabi niya kaya bahagya ko siyang nilingon. He flashed me a cheeky smile so, I chuckled. Pa-cute ang loko.

"Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ko sa kaniya. Agad kong napansin ang pagsimangot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit hinahanap mo sila? Ako nag nandito sa harap mo, oh! Ako!" pagmamaktol niya habang tinuturo ang sarili niya. I stared at him weirdly as he continue to complain about me not appreciating his oh-so-handsome-face.

"Ang daya. Ako ang nasa harapan tapos, iba hinahanap? Nasaan hustisya do'n? Ako na ito, oh. Janus Rigor Samonte na itong nasa harapan tapos, ibang tao hahanapin?" bulong pa niya pero, halatang pinaparinig sa akin kaya hindi ko na maiwasang hindi matawa. My hand slapped his arm because of his silliness.

"Hinahanap ko 'yong mga kaibigan mo kasi pareho ko silang kagrupo sa research!" natatawang sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya na parang hindi naniniwala sa akin kaya mas lalo akong natawa. These days, I always find myself laughing to whatever he is doing. Wala, ang cute kasi niya. Sarap ibulsa.

Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ako kaya unti-unting napawi ang pagtawa ko. Hindi na siya nakasimangot pero, ang mata ay titig na titig sa akin hanggang umangat 'yon sa may buhok ko. I immediately looked away, suddenly feeling shy as I saw him flashed a smile.

"You seemed to love it, huh?" tanong niya at sumandal sa upuan habang nakahalukipkip.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa pagtingin niya. Maya-maya pa'y umangat ang kamay niya at hinaplos ang clip na nasa buhok ko. The one he gave me when he told me that he'll be giving me something.

"Bagay na bagay sa 'yo. Tama nga ako sa naisip kong babagay sa 'yo itong hair clip. Unang kita ko dito, ikaw agad pumasok sa isip ko, eh," sabi niya sa akin. Lumingon naman ako at nasalubong ang mata niyang puno ng lambing. I found myself staring back.

"Salamat dito. Na-appreciate ko talaga," I told him as I pointed at the clip on my hair. He nodded with a smile on his face so, I smiled back and went back to reading. Hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko. Tahimik naman siya at pinapanood lang akong magbasa.

What Timothy said days ago still lingers in my mind. What he said about Janus is keeping me up at night. I want to ask Janus for confirmation because, I was curious and surprised. Ang kaso ay nahihiya akong magtanong sa kaniya. Isa 'yon sa dahilan kung bakit kinakabahan ako kapag nasa malapit si Janus.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon