"Magandang umaga!" Pagbukas ko pa lang ng pinto ng classroom, bumungad na sa akin ang nakangiting si Janus. Napatigil ako sa paglalakad at pinasadahan siya ng tingin.
My lips formed a smile. "Good morning."
He's wearing a black shirt and a cjacket with black and white linings. Nakasuot ng jeans at puting sneakers. Ang buhok niyang dati ay magulo, ngayon ay nakaayos kaya napangiti ako.
"Ako magbabantay sa jail booth mamaya," sabi niya kaya paglapag ko ng bag ko, nilingon ko siya. He smiled at me and slightly leaned to whisper on my ear.
"Hindi kita huhulihin, promise," nakangising bulong niya kaya napairap naman ako.
"'Wag kang madaya," natatawang sabi ko. He chuckled and scratched his hair.
"Oo na, basta ako huhuli sa 'yo kung sakali," aniya habang nakaupo na sa desk sa tabi ng upuan ko. Nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko at tiningnan siya.
"Asa ka namang magpapahuli ako," ani ko. His head tilted on the side before the side of his lip tugged upwards.
"Let's see," he stated.
Matapos mailagay sa classroom ang gamit ko, lumabas ang lahat dahil nagbubukas na ng booths. I locked our classroom to make sure that the things are safe. Tumulong ako sa mga kaklase sa ilang booth. Nag-stay muna ako sa RPD room kung saan may mga estudyante kaagad na naroon. I saw Vien, our vice president so, I went there.
"Ikaw bantay dito?" tanong ko. She nodded at me before, talking to the student who's screaming when the music shifts.
"Isa pa! Sandali!" they said and lend me the money to pay. Napakurap naman ako sa gulat at napatingin sa perang nasa kamay ko. Inilagay ko 'yon sa lagayan ng bayad at nanatili na lang doon.
Hours passed and Vien started feeling hungry. Inaya niya akong kumain kaya sumama ako kaagad. May bagong dating namang estudyante para magbantay kaya nakaalis kami.
Habang naglalakad ay lumilibot ang mata ko dahil hindi ako sigurado kung naglilibot na ba ang mga bantay sa jail booth. Ang daya lang dahil hindi pala kami excempted kahit strand namin nag may gawa pero, hindi bale. Basta, hindi ako papahuli.
While eating, my eyes roams around just to see if Janus is around. Baka kasi mamaya, kumakain ako tapos hulihin ako. Nag-iingat lang ako.
"Panalo ba sina Val kahapon?" tanong sa akin ni Vien kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.
"Hm? Oo, muntik na ngang mag-overtime kasi tie ang score pero, last 5 second, na-shoot ng pinsan ko," nakangiting sabi ko nang maalala ang laro kahapon. I saw Vien nodded and proceeded to eat. Hindi na siya nagtanong pa kaya kumain na rin ako.
Luckily, I managed to finish my food without getting caught nor seeing them. Tumayo na kami para bumalik sa RPD room at manood na lang doon nang marinig sa buong school ang announcement.
"Cheerleading competition in 5 minutes."
I heard some excited talks from students. Ang ilan ay nagmadali sa pagpunta sa gymnasium kung saan ang cheerleading competition.
"Manonood ka?" tanong sa akin ng kasama ko.
"Hindi ko alam, mukhang maraming manonood," sagot ko nang mapansin na marami ang patungo sa gym. She nodded and told me that she'll watch so, I was left alone.
Tumungo muna ako sa classroom para mag-check ng phone dahil hindi ko binitbit sa bulsa ko 'yon. I unlocked the door and proceeded to my things. I checked some text from my parents and replied to them.
Tahimik ang classroom nang biglang umingay dahil sa tugtog mula sa gymnasium. Kinuha ko na ang phone ko at inilagay sa bulsa ng jeans ko para makalabas na. I locked the door and proceeded to the jail booth where I saw a familiar woman.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...