"So, we will open booths for the upcoming foundation week? Every strand will have their booths. Miss Ella? Pakilista ng bawat booths per strand then, every representative will be discussing it to their strand," ani President Martin, ang SSC President. Tumango ang sekretarya ng student council at nagsimulang magtanong sa amin.
I was busy tapping my pen on the table when I suddenly realized something. I quickly raised my hand so, their attention's on me.
"Yes, Ms. Madrigal?" President Martin nodded at me.
I smiled at them before clearing my throat. "Uhm, I think we shouldn't list down the details for now. Sa tingin ko, kailangan munang kausapin ng representatives ang bawat section sa strand nila para magkaroon ng agreement lahat saka para walang samaan ng loob," suhestiyon ko at napakagat labi nang tahimik lang sila. Bahagya akong kinabahan na baka hindi sila sumang-ayon sa akin pero, isang tango mula kay President Martin ay nakahinga ako nang maluwag.
"Sorry at hindi ko naisip 'yon. We should really consider everyone's suggestions. Thank you, Ms. Madrigal," I nodded at the president before smiling. I saw Timothy looking at me with a smile, so I smiled back.
"Mr. Reyes?" President Martin called Timothy so, the latter stood up and faced us.
"Sa ngayon, mag-meeting muna kayo sa klase niyo. To be fair, you can make the students vote for the activities they want," aniya kaya napatango ako. Akmang magpapatuloy sa pagsasalita si Timothy nang may nagtaas ng kamay.
"Paano po kung magkakaiba ang suggestions ng bawat section sa isang strand? Paano magkakasundo?" ABM's representative, Unice asked. Bahagyang napakunot ang noo ko sa tanong niya.
Timothy smiled. "That's why I mentioned voting. Kung may iba't-ibang suggestions ang bawat sections, presidents should conduct a poll for students to vote for their final choice. P'wede kayong magbotohan kung may group chat ang strand niyo o kahit anong paraan para makapagbotohan," paliwanag niya.
"Kapag nagkasundo kayo, pumunta lang kayo rito sa office at ipasa kay Ms. Ella ang listahan para maiayos ang program," sabi ni President Martin matapos magsalita ni Timothy.
Hindi nagtagal ang meeting doon kaya may oras pa ako para makakain ng lunch. I took notes of the details from the short meeting before I left the office. Naglalakad ako pababa nang may bumangga sa balikat ko kaya napagilid ako.
"Oh, sorry. Bida-bida ka kasi sa daan kaya nabangga ka." Lumingon ako at nakita si Unice na nakataas ang kilay niya sa akin bago ako nginisian at inirapan.
"Pabida kasi," bulong niya bago bumaba ng hagdan. Kumunot naman ang noo ko bago nagdesisyong isawalang bahala na lang. Naglakad ako pababa at dumiretso muna sa classroom para ilagay sa bag ko ang notebook na dala ko.
Walang masiyadong tao sa classroom pero, may isa akong nakita roon na nakatungo at mukhang mahimbing ang tulog. May mga babaeng kaklase na nakapalibot. Hindi ko na sana papansinin pero, narinig kong naghahagikhikan ang mga babae kong kaklase at habang nakatingin ay biglang hindi ako naging komportable. I suddenly felt uneasy with the sight of them surrounding the sleeping guy.
I heard the guy groan and it made the girls giggle.
"Ang gwapo!" they whispered and squealed.
"Excuse me," tawag ko sa kanila. Agad silang napatingin sa akin at bahagya pang gulat.
"Yara? Bakit?"
Naglakad ako palapit at tumayo sa harap nila. "Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko. They giggled and looks at me.
"Uh, wala naman. Binabantayan lang namin si Janus kasi mahimbing ang tulog," sagot nito sa akin kaya napakunot ang noo ko.
Si Samonte itong tulog?
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomansSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...