"Yara..."
I opened my eyes and immediately saw the hospital's lights. Nang tingnan ko ang tumawag sa akin, nasalubong ko ang malambing na tingin ni Janus. His hair's a mess and he seems sleep-deprived but, he still managed to smile softly at me.
Napagtanto kong nakatulog pala ako sa upuan katabi ng kama ng Lola nina Janus. Si Remus ay nakatungo sa kabilang gilid at natutulog.
"Janus..." I called him and sat properly. Naupo si Janus sa harap ko at tumingala sa akin. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mata ko at hinaplos ang pisngi ko. "Tapos na kayong mag-usap ni Sixto?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Oo, umuwi na siya. Kasama si Unice," sagot niya sa akin. I nodded and just stared at him. It's obvious that he's tired and I want nothing but to let him rest and if possible, hug him.
Hindi ko na napigilan ang pag-angat ng kamay ko at paghawi sa buhok niya. He closed his eyes and let his head rest on my thighs. Nagpatuloy ako sa paghaplos sa buhok niya.
"Hindi ka pa ba inaantok, Janus?" mahinang tanong ko sa kaniya. I felt his arms slowly wrapping around my waist.
"Ayos lang ako," bulong niya pero, halata sa boses ang pagod at antok kaya naman marahan ko siyang tinapik.
"Tayo ka muna," sabi ko. He lifted his head and confusingly stare at me. "Gusto mong matulog muna? Sandal ka rito sa kama ni Lola Beth," sabi ko. Janus remained staring at me before he sighed and slowly stood up.
Tumayo ako at hinayaan siyang maupo sa inupuan ko kanina. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa akin. I nodded at him to let him know that he could rest for as long as he wants.
"Sleep, Janus," I whispered and that's when he lay his head on his grandmother's bed. Yawning and slowly drifting to dreamland. Napangiti ako at unti-unting nagpatak ng halik sa noo niya.
I became busy with my studies. Hindi na ako makabisita sa hospital dahil sa sunod-sunod na gawain. Even my father gave me a day-off from work. Pinaalalahanan nila ako na magpahinga kapag may oras.
Every day, I receive texts from Janus. and it is enough to boost my mood and lighten my day. Minsan ay sinasabi niyang gusto niya akong makita pero, hindi niya ginagawa. Abala na rin siya sa pagproseso ng mga requirements para makapasok na siya sa susunod na schoolyear.
I really admire how Janus works hard to fix his life. Sa kabila ng lahat ng hirap, nagpapatuloy siya at nanatiling mabuti ang puso niya. He never planted a grudge against the world nor to Porsia. Kung tutuusin, may karapatan siyang kamuhian ang tinuring na ina pero, hindi niya ginawa. Hinayaan niyang ang tadhana at ang Diyos ang humatol sa kasalanan ng babae.
That's why... that's why I love him.
"Yara, puno 'yong library kaya sa may café na lang daw tayo sa malapit. Ayos lang?" Napatingin ako kay Thea na kagrupo ko sa thesis. Nang tingnan ko ang mga kagrupo, lahat sila ay nakatingin din sa akin kaya napatango ako.
"Punuan sa library gawa ng nalalapit na exams. Pati sa mga benches, occupied! Grabe mga tao rito, studious!" Napailing ako at natawa sa sinabi ng isnag kagrupo ko.
Dahil vacant naman namin, napagdesisyunang naming gawin ang thesis sa labas ng university. Marami rin kaming nakasabay na estudyanteng palabas ng university. Siguro ay kakain o uuwi.
Sa isang malapit na café kami tumungo. Mabuti at walang masiyadong tao roon. May libreng internet kaya madali kaming naka-connect. Habang hinihintay kong mag-loading ang document sa laptop na dala ko, inilibot ko ang tingin sa paligid. Ang mga kagrupo ko ay nagsimulang um-order kaya naman nakisabay na rin ako.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomansSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...