Hello! I'm happy to deliver some good news! SERIES OF WHERES #1: Where It All Started now has its own OST! Check it out on my facebook account: Sheen Anderson. Sana mapakinggan niyo kahit saglit lang, it will be much appreciated!
Ps: ako nagsulat ng lyrics hehe
-
My first year in College gave me a hard time adjusting but, with the help of the people around me, I was able to move forward. Namalayan ko na lang na 2nd year College na ako at lumalaki na rin si Kiel. Time flies so fast and I didn't even notice it.
Remus and I got closer than before. Halos siya na lang rin ang kasama ko dahil sa kaniya ako mas komportable. Sinasamahan ko naman ang mga blockmates ko pero, minsan lang lalo kapag related sa schoolworks ang usapan.
Now, he's asking me to join him in the restobar. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay dahil ako ang niyayaya niya pero, natagpuan ko ang sarili kong nag-aayos para samahan siya.
"Come on! You gotta have fun, Yara! Masiyado kang focus sa pag-aaral mo," he said one time, trying to convince me to go with him.
"You don't have other friends to come with you?" tanong ko habang ang mata ay nakatuon sa libro. I almost scream in shock when his palm landed on my book, blocking the texts I'm reading.
"Wala kaya kailangan mo akong samahan..."
Napabuntonghininga ako habang inaalala ang tagpong 'yon. Nang makapag-ayos ay saktong nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya kaya lumabas ako ng kwarto at agad natagpuan ang mga magulang ko kasama si Kiel sa sala.
"Mama, Papa, alis po muna ako..." paalam ko. My father shifted his gaze to me.
"'Wag masiyadong mag-inom, Yara. Baka mahirapan ka sa hangover," paalala ni Papa sa akin. Tumango ako at humalik sa pisngi nila. I looked down when I felt a tug on my slacks.
"Ate..." Kiel called me. I immediately melted as I sat in front of him and took his small form in my arms. Agad namang yumakap sa akin ang kapatid ko kaya napangiti ako.
"Alis muna si Ate, ha? Pahingi nga ng kiss ako." Iniharap ko ang pisngi ko sa kapatid at napangiti nang maramdaman ang paghalik niya.
"Mwah!"
Our parents clapped in joy while watching us. Binuhat ko ang kapatid at iniupo sa gitna nina Mama at Papa. Dumiretso na ako palabas at saktong pumarada ang isang motor sa tapat ng bahay.
One brow raised as I watch the guy parked his motorcycle before taking off his helmet, brushing his hair as if he's shooting a commercial video. Matapos ay bumaling siya sa akin at ngumisi.
"Ano? Pasado na bang model ng mga motor?" Napairap ako bago lumapit sa kaniya. He eyed my outfit before chuckling.
"Very conservative," he commented.
"Gusto kong nakaganito, eh. Matuwa ka na lang na sumama ako sa 'yo. 'Wag mo akong pilitin na magsuot ng dress," sambit ko at namewang sa harapan niya. Remus nodded and handed me an extra helmet.
"Wala naman akong reklamo. Mas okay ngang nakaganyan ka at baka masuntok ako," he muttered and I went confused. Siya? Masusuntok? He seems to notice my confusion but, he didn't say anything. Hindi ko na rin inusisa at tumuloy na lang sa pagsakay sa upuan sa likod niya.
Nang masuot ang helmet, tinapik ko siya sa balikat, senyales na paandarin na niya ang motor at ilang sandali pa ay sumalubong na sa amin ang malamig na hangin. I smiled and looked up, feeling the air kissing my face.
Hindi nagtagal ay ipinarada na ni Remus ang motor sa tapat ng restobar na madalas kong nadadaanan sa tuwing papasok at uuwi ako. He got off first before helping me. Tinanggal ko ang helmet at inabot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...