Happy New Year, everyone! May your year 2024 be full of blessings, opportunities, and good happenings!
-
"Bakit parang may na-miss akong chismis?"
I eyed Remus after I stopped writing. Nakaupo siya sa harapan ko't kumakain ng banana chips. Nakatingin din siya sa akin at nakataas ang kilay.
I pursed my lips and went back to writing. "Meron nga," bulong ko sa kaniya. He immediately stood up and went beside me.
"Spill!" he demanded. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "What? Kailangan ko ng Vitamin C!" aniya kaya kumunot ang noo ko.
"Anong Vitamin C?" tanong ko. He sighed and ran his palm on his hair.
"Vitamin Chismis kaya kung ako sa 'yo, sabihin mo na. Nakakapanghina kapag walang chismis."
I chuckled and shook my head. "Napaka-chismoso mo, 'no?"
"Tangek ka! Kaibigan mo ako kaya deserve kong malaman mga chismis mo sa buhay. Ano ba 'yan? May jowa ka na ba kaya ang aliwalas ng mukha mo?" tanong niya at bumalik sa harapan ko't naupo.
It's crazy how my mind immediately thought of Janus. Nasa trabaho siya ngayon at kanina ay nag-text siya sa akin ng 'goodmorning' at 'goodluck sa studies.' Nagulat pa ako dahil alam niya ang number ko.
It's like highschool again. Hindi kami madalas magka-text noon dahil magkaklase kami pero ngayon, pati sa simpleng text ay kumakabog na agad ang puso ko.
"Ay wala na ito, may jowa na nga. Ngumingiti na mag-isa, iskeri!" Napairap ako nang marinig si Remus.
"Wala akong jowa," sabi ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya napabuntonghininga ako.
"Nakwento ko na ba sa 'yo 'yong lalaking una kong nagustuhan noong highschool?"
Remus eyed me amusingly before shaking his head. "Hindi pa, eh. Kwento mo nga," nakangising sabi niya saka ipinatong ang dalawang siko sa mesa sa gitna namin.
Napataas naman ang kilay ko. "Ganyan ka kasaya kapag may ichi-chismis ako?"
Remus chuckled. "Siyempre. Dali na! Kwento na," aniya kaya natawa ako at nagsimulang magkwento.
Mula sa unang pagkikita namin noong first day ng klase, lahat ng moments sa loob ng classroom, kung paano ko siya sawayin kapag nagloloko sila ng mga kaibigan niya, kung paano unti-unting nagkalapit ang loob namin, hanggang sa unti-unti kong napagtanto na nagugustuhan ko na siya.
"Namatay siya?!" Remus reacted but, he seems odd. Trying hard sa pagpapakita ng gulat ang loko pero, hindi ko na pinuna. Pangit um-acting talaga 'yan si Remus.
"Hindi. Buhay siya, pinalabas niya lang na patay na siya," nakangusong sabi ko. Remus scoffed before chuckling.
"Feeling yata niya nasa Wattpad siya, aba."
Tumaas ang kilay ko. "May rason siya kaya niya ginawa 'yon. He said he's ashamed to face me that's why he told my parents to tell me that he's dead," pagkukwento ko. "He suffered alone. I'm just glad that he found his family," sabi ko bago napangiti habang inaalala ang kwento ni Janus tungkol sa nahanap na pamilya.
Remus smiled. "Buti na nga lang nahanap niya ang pamilya niya," aniya at napansin ko ang totoong ngiti sa labi ng lalaki. Napangiti rin ako bago may naisip na tanong.
"Remus..." I called him. The guy hummed. Napaayos naman ako ng upo at bahagyang natawa.
"Alam mo bang parehas kayo ng surname ng kinukwento ko? What if magkamag-anak pala kayo?" I jokingly asked but, my laughters vanished when the guy suddenly stood up.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...