40.

40 3 0
                                    

Last chapter pooo! And Trigger Warning because this chapter may contain violence and... heartbreaks? Joke! Anyways, enjoy!

-

Alas singko natapos ang klase ko kaya naman lumabas ako kaagad at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin si Janus. Hindi ko rin nakita si Remus at wala rin akong napansin na lumabas na estudyante mula sa department nila. Baka mamaya pa ang out nila.

I walked towards the shed and glanced at my phone, expecting a text from Janus but, none. Nagdesisyon akong magpadala ng mensahe sa kaniya.

Ako: Janus? Tapos na ang klase ko, antayin kita sa may shed. Love you!

Matapos ma-send 'yon ay sandali ko pang tinitigan 'yon bago namatay ang screen ng phone ko. Binulsa ko muna ang phone at sumandal habang naghihintay sa kaniya.

I started wondering where would Janus and I go for our date. Kahit simple lang, ayos na sa akin. Kahit nga kumain lang kami ng fishball o kikiam, masaya na ako. This will be our first date as a couple so, anything is worth it for me as long as it's Janus I am with.

Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka nandiyan na si Janus at gusto lang akong surpresahin pero, wala akong makita ni anino niya.

Kinuha ko ang phone mula sa bulsa ko at tiningnan kung nay reply na ba si Janus o kung na-seen na ba niya ang chat ko pero, wala pa rin.

Napanguso ako. "Maga-alas sais na," bulong ko. Huminga ako nang malalim at tumingala muli para hintayin si Janus pero, lumipas na lang ang ilang minuto, wala pa rin siya.

Tumunog ang phone ko mula sa isang tawag kaya agad kong sinagot 'yon sa pag-aakalang si Janus 'yon pero, nagtaka ako nang marinig ang boses ni Papa.

"Yara, anak! Nasaan ka?!" bakas sa boses ni Papa ang pagkataranta kaya nagsimula akong kabahan.

"Papa? Nasa university pa po ako, hinihintay ko po si Janus. Ang sabi kasi niya, susunduin niya ako," sagot ko sa kabila ng pagtataka.

I heard my father heaved a deep and frustrated sigh. "Umuwi ka na, anak. Pakiusap. Umuwi ka na o gusto mo sunduin kita? Wala pa ba si Janus?"

Something is wrong. Sigurado ako roon. Sa tono pa lang ng boses ni Papa, alam kong may mali na.

"Papa, ano pong nangyayari?" tanong ko.

"Anak-" naputol ang sasabihin ni Papa nang makarinig ako ng boses mula sa kabilang linya. Hindi nagtagal, narinig ko ang boses ni Papa. "Putangina! Hindi pa rin ba siya titigil?!" he cursed before his voice got louder again in my ear. "Yara, anak. Susunduin kita diyan. Hintayin mo ako," aniya.

"Papa! Anong nangyayari?" nagsisimula na rin akong mataranta. Napatayo na ako at halos hindi na mapakali.

"Anak, hindi makakarating si Janus..." my heart dropped. "Kakatawag lang ng pinsan niya, hindi pa raw umuuwi si Janus at hindi nila matawagan. Hindi ko alam, anak pero, may hinala ako kung bakit. Ayaw ko lang maniwala pero... tama pala ako," ani Papa kaya halos maiyak na ako sa kaba at pagtataka.

"Ano po bang mayroon? Nasaan po si Janus? Papa! Sabihin niyo po!"

I heard my father's hurried steps and a car's door slamming. "Anak, nakatakas sa kulungan si Porsia kaya kailangan mo nang umuwi! I don't wanna risk, Yara! Baka mamaya, sundan ka at saktan na nama-" Hindi pa man natatapos ni Papa ang sasabihin niya, naibato ko ang phone ko sa gulat nang may humablot sa braso ko. Nagpumiglas ako at agad nakita ang isang nakaitim na pigura. Nakatabon ang mukha at pilit akong hinihila.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon