Epilogue

59 4 0
                                    

We've finally reached the end of Janus and Yara's story! Alam kong sobrang daming pinagdaanan ng story na ito bago matapos. Sobrang tagal bago na-update ang mga chapters dahil sa dami ng nangyari. Nagkasakit ako, naging busy sa school, nawalan ng sipag, motivation para magsulat kaya halos abutin ng isang taon bago natapos pero, ito na! Masayang-masaya ako kasi natapos na ito. Ito 'yong first finished story ko this 2024!

Salamat sa paghihintay niyo! Love you all! See you on my next series and stories!

-

Wala akong matinong alaala kasama ang mga magulang ko. Malabo lahat, putol, at hindi ko matandaan. Maybe, I was too young when I lost them. Maybe, I was born to be alone.

Pero, hindi ko naman akalain na magkakaroon pa ako ng pagkakataong maalagaan. Hindi ko inaasahan na may isang ina pang darating sa buhay ko.

Isang araw, habang nagpapalaboy-laboy ako sa kalsada, napadpad ako sa tapat ng isang resort.

MadriHotel and Resorts.

"Wow..." bulong ko nang makita kung gaano kalaki ang resort. Bahagyang nakabukas ang gate nito kaya nasilip ko sa loob ang mga taong enjoy na enjoy at masaya.

Makakaranas din kaya ako niyan?

"Anong pangalan mo, hijo?" Napalingon ako at nakita ang isang babae na nakatayo sa liko ko. Suot niya ay isang pulang blouse at itim na palda.

Lumapit siya sa akin at ngumiti. "Ako si Porsia, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. She began caressing my hair and I melted. Bigla ay na-miss ko ang magulang ko.

"J-Janus..." mahinang sambit ko.

"Janus..." she muttered and glance at the resort. "Kilala mo ang may-ari ng resort na ito?" tanong niya. I looked back at the resort and nodded. Napapanood ko minsan sa balita ang resort na ito kaya nakilala ko ang may-ari.

"Si Sir Yurinard Madrigal po," bulong ko. Lumawak ang ngiti ni Porsia. She seems proud that I know about Sir Yurinard.

"Janus? Gusto mo bang sumama sa akin?" her smile seems genuine and as a kid looking for a mother's love, I reached her hand.

Porsia became my mother ever since she took me home. She cared for me. She ended my suffering of being alone. Namuhay ako kasama siya at talaga namang minahal ko na siya bilang isang ina.

"Tayong dalawa na lang ang magkasama, Janus. Ako na lang ang pamilya mo. 'Wag mong isipin na hindi tayo magkadugo dahil tunay na anak na ang turing ko sa 'yo," aniya habang marahang nakatingin sa akin. "'Mahal mo ba ako bilang nanay mo, Janus?"

Walang pag-aalinlangan akong tumango at magmula noon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasaya at makabawi sa babaeng kumupkop sa akin at tumayong nanay ko.

She was able to pay for my studies. Sa nagdaang mga taon, nagkukwento niya sa akin ang tungkol sa lalaking mahal na mahal niya. I even tried asking her about a husband but, she said that the guy she loves has his own family.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Mama Porsia kaya mas umigting ang kagustuhan kong gawin ang lahat mapasaya lang siya.

Nakapag-enroll ako sa senior high school at hindi ko akalain na aabot ako sa lebel na ganito. Akala ko ay hindi na ako makakapagtapos dahil sa estado ng buhay ko pero, nang dumating si Mama Porsia ay nagawa kong umusad.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon