04.

32 3 0
                                    

People would joke at times and it's fine. Jokes are made to be happy and fun, not to cause worry and panic. Jokes are not supposed to offend anyone, nor cause any harm and Janus Samonte went too far on his jokes. Hindi nakakatuwa.

I went on the day, only focusing with the studies. Matapos kong layasan ang gago, kumain ako nang mabilis sa canteen. Mabuti na lang at wala ang mga pinsan ko dahil ayokong magtatanong pa sila at iinit lang ang ulo ko kapag maaalala ko.

"For today, I will group you in three for the activity I have for you. Start tayo magbilang dito sa unahan. Count one..." sabi ng Statistics 2 teacher namin. Nagbilang ang kaklase ko sunod-sunod at group two ako. Hinayaan ko muna silang magbilang dahil inaayos ko ang gamit ko para kapag lilipat ng upuan ay hindi ako mawawalan ng gamit.

We settled on our seats based on groups. Binigyan kami ng tig-iisang activity sheets bawat grupo na sasagutan sa isang buong yellow pad. Inabot kaagad nila sa akin ang answer sheets na agad kong sinuri.

"Kapag may oras pa, maghanda dahil idi-discuss natin ang bawat sagot niyo. Kapag hindi na umabot, bukas na lang. Make sure to have a copy each. Kokolektahin ko ang bawat papel niyo para siguradong walang babaguhing sagot." We nodded at the teacher's words. Nagsimula kaming magsagot ng papel.

"Hatiin natin 'yong gawain," suhestiyon ng katabi ko. Sumang-ayon ako at bahagyang nagulat nang makitang si Sixto pala ang katabi ko. Ngumiti ito nang mapansing nakatingin ako.

"Hello, Yara..." bati niya na tinanguan ko lang.

"Paano natin hahatiin ito?" tanong ng isa pang kagrupo. Umayos ako ng upo at lumapit sa kanila.

I started distributing the task to my co-members. Parang automatic na ako ang leader nila dahil ako kaagad ang tinanong nila at wala namang umangal.

"Make sure to check the answers twice. Bilugan niyo 'yong nakuha niyong sagot tapos, 'wag niyong kaligtaan 'yong mga buttons na need i-press sa calculators niyo. 'Wag kayong maduduling sa sagot, ha? " bahagya akong natawa sa sinabi ko. Tahimik kaming gumawa ng activity. Naririnig ko pa ang ilan na nagtataka kung bakit malaki ang sagot o malayo. Agad ko naman silang inaalalayan at tinutulungan kapag napapansin ko.

Sixto is the one working with me and he's holding the calculator. Kapag may pinapa-solve ako ay siya ang nagso-solve sa calculator at pinapakita sa akin ang sagot. With us working together, we managed to answer quickly. Siya ang nag-double check ng sagot kaya bumaling ako sa mga kamyembro ko.

"Nakausad na ba?" tanong ko.

"Yes, Yara. Ido-double check na rin namin," sagot ng isa kaya napatango ako. Nilingon ko si Sixto na abala sa calculator at sagot para mag-double check para siguradong walang maling isa. Kapag kasi mali ang sagot ng isa, apektado lahat kaya kapag nagkamali kami, kailangan naming ulitin pa.

"Patapos na tayo," bulong ni Sixto. "Pero, 'yong kaibigan ko roon... mukhang walang matatapos dahil distracted," aniya na nagpatigil sa akin. Nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin pero, hindi ako nag-react. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya pero, hindi ko na pinansin.

Ibinigay nito sa akin ang papel kaya kinuha ko at hinintay na matapos ang pagsagot ng mga kamyembro ko. I watched them solve and helped them to avoid confusions and errors.

"Ano?" I heard him asking and when I looked at Sixto, I saw him looking at another direction. Lumingon ako roon at agad nasalubong ang tingin ni Samonte na nakanguso at magulo ang buhok. His eyes went to me. Puno ng pagmamakaawa ang mata niya at hindi ko gusto 'yon kaya umiwas ako ng tingin.

"Aguy, busted," bulong ni Sixto na hindi ko na pinansin.

"Yara, ito na! Na-check na namin 'yong sagot at okay na." Binigay nila sa akin ang papel na may pangalan na rin ng members. Nagtaas ako ng kamay kaya nabaling sa amin ang atensyon ng ilang kaklase.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon