09.

34 2 0
                                    

Nakakatawang isipin na sa tagal nilang maglilibot doon, wala pang dumadating na bagong estudyanteng ikukulong nila. Ilang minuto na silang nag-iikot pero, kaming dalawa pa rin ni Samonte ang nandito sa loob.

30 minutes pa lang yata ang nakakalipas at ngayon pa lang, gutom na ako. Sana pala bumili na ako ng pagkain doon sa booth nina Cullen.

Nakaupo lang ako sa monoblock chair doon habang si Samonte at nakaupo rin sa tabi ko at may isa pang upuan sa harapan niya kung saan nakapatong ang paa niya. He's even whistling.

"President Yara..." I heard him call my name so, I look back to him.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ko in-expect na nandito ka rin pala. Nagulat ako, pagpasok ko, nakita kita dito..." sabi niya habang may ngisi sa labi. Napairap ako at hindi namalayang natawa na rin.

"Sure ka?" I asked him. Mukha siyang nagtataka sa tanong ko kaya humarap ako sa kaniya. "Sure kang coincidence?" tanong ko ulit.

Napaayos din siya ng upo at naibaba ang paang nakapatong sa upuan. His elbows were placed on both his knees as he leaned closer to me.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. I flashed him a small smirk and leaned on my seat.

"I heard you..." I said and he looks shocked. Natawa ako sa ekspresyon niya pero, hindi ko pinahalata. Nanatili akong kalmado at may maliit na ngisi sa labi habang siya ay unti-unting napapagtanto ang ibig kong sabihin.

"Shit..." he cursed before his ears turned red. Umiwas ako ng tingin at tuluyang natawa dahil sa itsura niya. He looks embrassaed the moment he realized what he did.

"Well... totoo namang may bracelet akong suot!" depensa niya. "Ito, oh, may bracelet ako," aniya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakaangat ang kamay niya at pinapakita sa akin ang bracelet kuno niya.

Tumaas naman ang kilay ko. "As far as I know, rubber bands aren't bracelet?"

His eyes became defensive and before he could utter a word, I stopped him by chuckling and patting his head.

"Oo na, bracelet na 'yan. Kung sabi mo, bracelet 'yan, edi bracelet," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Now, he looks like a lost kid with his lips parted while his eyes are on me.

"Ganda..." he muttered mindlessly so, I stopped smiling as I felt the heat on my cheeks and the thump in my chest.

Luckily, some students entered, breaking the silence between us. Ang iba ay nakasimangot pa habang pinapapasok pero, nang makita si Samonte, nagmadali pang maupo sa upuan. Napailing na lang ako at nanahimik, dama pa rin ang gutom. I pouted and rubbed my stomach.

Hindi bale, sandali na lang naman at makakalabas na ako.

"Pst, p're!" I heard Samonte's voice but, I didn't bother looking at him. "P'wedeng humingi ng pabor?" narinig kong tanong niya kaya bahagya akong sumulyap at nakita siyang nasa may entrance ng jail booth at nakikipag-usap sa bantay.

"Ano 'yon?"

"P'wede bang kumain dito sa loob?" tanong niya kaya inalis ko na ang tingin at itinigil ang pakikinig. Mukhang magpapabili siya ng pagkain. Kapag pumayag ang nagbabantay, baka p'wede rin akong makisabay.

"Luh, may preso bang kumakain sa loob ng selda?" Napasimangot naman ako nang marinig ang sagot ng nagbabantay doon. Mukhang hindi papayag.

"Gutom na ako, p're! Baka mamatay ako sa gutom," reklamo ni Samonte at nagpaawa pa roon. Ngumuso at nagpa-cute kaya ang mga babaeng nandito, sige naman ang singhapan at hagikhikan.

I don't know how many minutes passed but, we got released from the jail booth. Hindi pinayagan si Samonte na kumain sa loob dahil unfair daw sa mga naunang nag-request din na kakain sila sa loob. When they opened the fake gate for us, I immediately stood up and went outside.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon