"Yara, ito pa! Dalhin mo na ito." Natigil ako sa paglalakad nang marinig si Mama Kali. She handed me another paperbag so, I'm now holding teo paperbags and one tote bag containing containers with food.
"Mama, ang dami nito," natatawang sabi ko.
"Hayaan mo na! Maganda nga 'yon para maraming makain ang Lola ni Janus saka 'yong magpinsan. Pasensya na't hindi ka namin masasamahan sa pagdalaw, ha? May importanteng trabaho ang Papa mo at kailangan kong tulungan," sabi ni Mama. Napailing naman ako.
"Kaya ko na po, Mama. Susunduin din po ako ni Janus," nakangiti kong sagot. Natigilan ako nang makita ang maluha-luhang mata ni Mama. Bahagya siyang lumapit at hinaplos ang buhok ko.
"Ang prinsesa namin ni Yurinard, ang laki-laki na. Dalagang-dalaga na..." malambing na sabi ni Mama kaya napakagat ako ng labi para maiwasang maiyak. "Masaya akong masaya ka, Yara. Nakakatuwang makita ang mga ngiti mo at alam ko, alam ng Papa mo na dahil 'yon kay Janus Rigor. Deserve niyong dalawa ang sumaya at alam kong kasiyahan niyo ang isa't isa."
Pigilan ko man ang luha ko, dala ng sobrang kasiyahan, hindi ko nagawa. Tuluyang tumulo ang luha ko bago ko ibinaba sa mesang malapit ang mga dala at yumakap kay Mama.
"Salamat po, Mama. I love you po," bulong ko. Ramdam ko pa rin ang paghaplos ni Mama sa buhok ko.
"I love you too, anak."
A knock on the door made us pull away. Pinunasan ko ang luha ko habang si Mama ay nakangiting tinungo ang pinto at binuksan 'yon.
"Magandang umaga po." The familiar voice of the man I love reached my ears. Napangiti ako at humarap sa pinto. Doon ay nakita ko si Janus na nagmano sa Mama ko kaya halos matunaw ang puso ko.
"Pasok ka, hijo," Mama invited him. Tumango si Janus at hinubad pa ang sapatos niya pero, pinigilan siya ni Mama. "'Nak, 'wag na. Ipasok mo na 'yang sapatos mo. Sige na," sabi ni Mama pero, umiling si Janus.
"'Wag na po. Madudumihan po ang sahig niyo. Dumaan po ako sa putikan kasi umulan kagabi kaya 'wag na po."
Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti dahil sa inaasal niya. I never knew that him being this way is so adorable. Malayo sa pasaway na Janus noong highschool. Hindi na naman matigil ang puso ko sa pagwawala.
"Susunduin ko lang din po si Yara," aniya at lumingon sa akin. Nakita ko kung paano lumambing ang mata niya bago siya nagpakawala ng ngiti. "Magandang umaga, Yara," bati niya.
I saw my mother giving me a teasing smile so, I had to clear my throat to avoid bursting in joy. Kalma, Yara.
"Magandang umaga rin," bati ko sa lalaki.
"Oh, paalis na kayo?" Napalingon kami nang marinig ang boses ni Papa Yuri. Buhat niya si Kiel na nakasandal sa balikat niya at inaantok pa.
"Magandang umaga po, Sir Yuri. Sinusundo ko lang po si Yara. Gusto raw po kasi niyang dalawin si Lola Beth at gusto rin pong makita ng Lola ko si Yara," sabi ni Janus sa Papa ko.
"Luh, anong Sir? Wala tayo sa trabaho, hijo. Tito na lang itawag mo sa akin..." sabi ni Papa bago nagpakawala ng ngisi. "Oh, kung gusto mo, Papa na agad. Wala nang paligoy-ligoy," biro ni Papa.
Nanlaki ang mata ko at nakita ko kung paano napahimas ng batok si Janus sa hiya. Si Mama naman ay natawa bago iiling-iling na lumapit kay Papa.
"Kayong dalawa, sige na at lumakad na kayo. Baka kung ano pang masabi ni Yurinard. Magulat kayo, nagpaplano na ito ng kasal," tumatawang sabi ni Mama kaya napatango ako.
"O-Oo nga po. Aalis na po kami," sabi ko at humalik sa pisngi ng mga magulang ko. Hindi ko na inistorbo si Kiel dahil tulog na tulog pa.
"Mauna na po kami, Si—" napataas ang kilay ng mga magulang ko. "Tito at Tita, mauuna na po kami."
![](https://img.wattpad.com/cover/315082357-288-k652574.jpg)
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...