Trigger warning: Violence
-
"Kumain ka na."
For the nth time, one of the men shoved a plate of food towards my feet but, I didn't move. Nanatili akong nakatingin sa sahig at tahimik, malamig ang mga mata. I don't know how many hours passed. Is it a day already?
I wanna go home. My parents must be waiting. Kiel must be crying. With the thought of my brother, my heart shatters more.
"Hoy! Naririnig mo ba ako?!" the man shouted but, I didn't flinched. "Sabing kumain ka na, eh!" one slap on my cheek made my shut my eyes but, my mouth remained shut.
"Aba, matigas ka, ha?"
I heard a sound of belt. Napahinga ako nang malalim at hinintay na lang ang hapding parating. I know, he will hit me with that belt of his but, I will not speak.
"Ang tigas ng bungo mong bata ka, ha?" aniya at hinintay ko na lang ang pagdapo ng sinturon sa balat ko pero, hindi 'yon nangyari.
"Tigilan mo! Ano bang ginagawa mo?!"
Pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko pero, kahit siya ay hindi nabago ang emosyon ko. Nanatili akong tahimik, malamig... at mas lalong piniling 'wag magsalita.
"'Wag kang mangialam dito, pinapakain ko itong batang ito pero, matigas ang bungo. Bumalik ka na roon sa nanay mo," sabi ng lalaki.
"Tigilan mo 'yang ginagawa mo kung hindi, ako ang makakalaban mo," I heard him said. Mapait akong natawa dahil doon.
What's with his pretentious act? Bakit ganiyan siya umakto? Bakit sinusuway niya ang mga tauhan ng nanay niya?
Napakagaling, Janus Rigor. Napakagaling.
"Pakainin mo 'yan kung hindi, yari ka kay Porsia!"
Porsia is the name of Janus' mother. The name itself is enough to bother me. I have heard the name once but, I didn't bother digging about it. Kahit narinig ko 'yon mula sa usapan ng mga magulang ko, hindi ko pinakialamanan dahil alam kong sa pagitan lang nina Mama at Papa 'yon pero, ito ngayon at kaharap ko ang Porsia na pinag-uusapan nila.
What's with the past? Does Porsia loves my father? She keeps on saying that she should be the one my father choose instead of Mama Kali. With that, I immediately realized that Porsia became part of my parent's lives before.
"Yara, kumain ka na."
Agad dumaloy ang galit sa sistema ko nang marinig ang boses niya. Naupo siya sa harapan ko at sinubukang kalagan ang kamay ko. Nanatili akong nakatitig sa kamay niyang kumikilos doon.
"Tatanggalin ko ito para makakain ka," marahang sabi niya.
The side of my lip lifted up for a bitter smile. "Sinong nagsabi sa 'yong kakain ako?"
Napatigil siya at tumingin sa akin. His eyes held the same emotion I've been seeing from before but, I didn't let that fool me.
"Kailangan mong kumain..." sabi niya. "Please."
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. "Ayaw kong kumain," pagmamatigas ko. I heard him sighing but, I didn't back down.
"Yara, I'm sorry..."
Muli akong natawa nang mapait at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Sorry? Ano pang silbi ng sorry mo kung wala na akong tiwala sa 'yo?" diretsong sambit ko sa kaniya. The emotions in his eyes flickered into pain.
He looks hurt with what I said but, my heart feels cold now.
"Hindi ko ginusto... hindi ko ginusto na mangyari ito," aniya kaya marahas kong tinulak ang kamay niyang malapit sa akin.

BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...