A week after that talk with Samonte, the preparations for the upcoming foundation week started. Gladly, the teachers gave us time to prepare so, we don't have classes. Halos naging abala kami para maisagawa ang pagde-design sa gymnasium ng school at pati na rin sa kaniya-kaniyang booths sa bawat strand. Tumutulong ako sa council sa pag-aasikaso. At the same time, I'm helping our strand to fix our activities.
"President! Ito na 'yong pinapakuha mo," I heard Samonte's voice. Tumakbo siya palapit sa akin dala ang pinakuha kong listahan ng mga kailangan sa decorations.
"Salamat," sabi ko at sinimulan ang paggupit sa letters na ididikit sa may gymnasium. Some of the officers are fixing the programs and some are talking to the clubs who'll participate at the progran.
Samonte sat beside me and started cutting the letters too. Kaming dalawa ang gumagawa nito habang ang iba ay abala sa kaniya-kaniyang gawain. He's actually a big help to me and I thank him for that.
"Kumain ka na, president?" tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan namin. Sumulyap ako sa kaniya sandali bago ibinalik ang tingin sa ginugupit.
"Mamaya, tatapusin ko lang ito," sabi ko. "Ikaw, kung gutom ka na, p'wede ka munang kumain," sabi ko.
"Nope, later," he answered and smiled at me.
He really did stayed with me until I decided to go up and head to eat. Alam kong ang mga mata ng mga estudyante ay nasa amin pero, mukhang walang pakialam si Samonte. He's just walking beside me with a small smile on his face.
"Hindi ka ba sasabay sa mga kaibigan mo?" tanong ko nang makaupo sa upuan. Samonte shook his head before placing his palm on the table, slightly leaning. Nanatili siyang nakatayo roon sa gilid at nakadungaw sa akin.
"Kumain na sila saka, hindi dapat ako lumayo sa 'yo. Paano kung kailangan mo ako, 'di ba?" he even flashed me his smirk that made me roll my eyes.
"Ganap na ganap ka naman sa pagiging assistant ko," bulong ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
"At least, I have more time with you..." he said before standing properly. "Anong lunch mo?" tanong niya kaya binanggit ko ang gusto kong kainin at maya-maya'y dumiretso na siya para bumili.
I remained there, checking my phone. Nag-reply ako sa chats ng mga magulang ko at pati na rin sa mga estudyante na nagtatanong tungkol sa preparations. While waiting for Samonte, I saw my mother's name on my phone. She sent a photo of Kielton eating by himself. Madungis ang mukha pero, malawak ang ngiti.
I smiled softly at the sight of my lovely brother. Lumalaki na si Kiel. Parang dati lang, takot pa akong buhatin siya kasi napakaliit pa niya at napakalambot ng balat. Nakakatakot at baka masaktan ko pero ngayon, nakakapagsalit na paunti-unti ang kapatid ko.
"Hays, sana all nginingitian," I heard Samonte's voice so, I looked up and saw him looking at me. Hindi ko namalayan na may ngiti pa rin pala ako sa labi hanggang sa maupo siya at ngumiti rin pabalik.
"Ganda ng ngiti mo, ah. Sino nagpapangiti sa 'yo? Lalaki ba 'yan? Sabihin sa akin kung sino nang maabangan ko sa kanto," he said as if ready to fight anyone.
Kumunot naman ang noo ko. "Are you crazy?" tanong ko pero, ang loko ay ngumuso lang sa harapan ko.
"Hindi ka ngumingiti nang ganiyan sa akin, daya," pagmamaktol niya kaya hindi makapaniwala akong natawa. Nang mapansin ang pagtawa ko'y siya namang pagsimangot niya. "Pinagtatawanan pa ako," bulong pa niya.
"Ewan ko sa 'yo," natatawang sabi ko.
I always see Samonte as a guy who'll just bring trouble everywhere he go. Kabi-kabilang usapan ng bugbugan ang naririnig ko at laging sangkot ang pangalan niya. Ilang beses ko na rin siyang naabutang may mga pasa at isa siya sa mga estudyanteng kailangan ko talagang bantayan dahil kaklase ko siya at bilang president ng klase, kailangan kong masigurado na maayos ang mga kaklase ko.

BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
Roman d'amourSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...