06.

53 4 0
                                    

Pagbalik ko sa kinauupuan ni Samonte, naabutan ko siyang nakapikit at nakasandal sa pader sa likod. Napailing naman ako bago nagdesisyong maupo sa tabi niya. I heard him shifting to his seat and when I glance at him, he's already looking at me.

"Gagamutin mo ako?" mahina ang boses na tanong niya. Pinanood niya ang pag-aayos ko ng dalang bulak at antiseptic na nabili ko.

Tumango ako at humarap sa kaniya. Tahimik lang siya habang nililinisan ko ang sugat niya sa mukha. Maging ako ay parang nasasaktan sa mga sugat niya habang siya ay walang imik at nakatingin lang.

"Bakit ka ba kasi nakikipagbugbugan? Ang basagulero mo naman," reklamo ko habang pinupunasan ang dugong tumutulo. I hissed as if I'm the one wounded.

"Hindi naman ako ang nauna. Siya 'yon," aniya.

"Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Sabi kasi, inaagaw ko raw girlfriend niya. Hindi ko naman kilala kung sinong babae tinutukoy niya. Wala nga akong inaagaw tapos, pinagbibintangan ako," parang batang sumbong niya. Napailing naman ako at nang malinisan ang sugat niya sa mukha, tinapalan ko 'yon para hindi mahanginan at magkaimpeksyon. Sunod kong ginamot ang kamay niya.

"Kilala mo ba 'yong mga lalaki?" tanong ko.

"Oo, schoolmate," sagot naman niya.

Napabuntonghininga ako at panandaliang tumigil sa paggamot sa kamay niya. Tumingin ako sa kaniya na parang naghihintay ng kung anong sasabihin ko.

"Inagaw mo ba talaga 'yong girlfriend?" tanong ko. Suminghap naman siya at mabilis na umiling. Sinimangutan niya ako at binawi ang kamay niyang hawak ko.

"Bakit?" takang tanong ko pero, nakasimangot siya habang umiiwas ng tingin sa akin.

"Gano'n ba ako kagago sa paningin mo?" tanong niya bigla kaya natigilan ako. I remained watching him until he looks back to me.

"Aaminin ko na may pagkagago nga ako pero, hindi ko ugaling manira ng relasyon, Yara. Nasabi ko na sa 'yo kanina na hindi ko kilala 'yong babae..." aniya kaya natauhan ako sa kung ano ang ikinasimangot niya.

I took a deep breath and nodded. "Okay, sorry. Hindi ko intensyong ma-offend ka sa tanong ko. Sorry, akin na ulit 'yong kamay mo," sabi ko at napangiti naman ako nang iabot niya sa akin ang kamay niya.

"Umiwas ka na sa mga 'yon, ha? Kapag nakita o nakasalubong mo sa school, 'wag mo nang pansinin," sabi ko at nang matapos linisan ang kamay niya, binalot ko ng benda 'yon at marahang pinatong sa hita niya.

"Salamat," nakangiting aniya kaya tumango ako at ngumiti rin. Sumandal siya sa upuan at pumikit muli.

"Umiwas ka na sa gulo, ha? Ayokong makikita kang nakikipagsuntukan ulit," sabi ko nang hindi namamalayan. Kaya nang magmulat siya at bumaling sa akin, may ngiti siya sa labi kaya agad akong nahiya.

"Concern ka sa akin?" tanong niya. Ikinunot ko ang noo ko para itago ang totoong reaksyon saka ako bahagyang umusog palayo dahil sobrang lapit niya.

"Kakilala kita kaya malamang... mag-aalala ako," bulong ko pero, hindi pa rin siya tapos sa pagngiti niya.

"Talaga?" he whispered as he leaned closer.

"Oo nga!" depensa ko naman. "Kahit sino naman na makakit ng gano'n, siguradong mag-aalala rin. Isa pa, kapag kayo, nakita kong nagsuntukan sa school, hindi ako magdadalawang-isip na i-report kayo. I'm a part of Student Council," dagdag ko pa.

"Uh-huh, if you say so," nakangiting aniya at umayos na ng upo. Napahinga ako nang maluwag nang hindi na siya malapit sa akin.

Pareho kaming nakaupo lang doon at tahimik na nakatingin sa paligid. P'wede ko siyang iwan na dito para makauwi na ako pero, hindi ko mahanap ang lakas na magsalita. I just stayed there, watching the moon with him.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon