"Boyfriend mo na ba si Janus, anak?"
Napaangat ako ng tingin at nakasalubong ang ngisi ni Mama habang kumakain kami ng almusal. My father, on the other side, is frowning but, he remained silent.
Last night, Janus and I got together. I'm so happy that finally, I managed to told him what I feel for him. Hindi ako makapaniwalang naitago ko 'yon nang gano'n katagal bago ko nasabi. Well, balak ko naman nang sabihin noon pero nangyari na ang nangyari.
"Yara, tinatanong ka ng Mama mo. Nobyo mo na ba si Samonte?" tanong naman ni Papa na nakasimangot pa rin. Gusto kong matawa pero baka pagalitan ako ni Papa kaya hindi ko na ginawa.
"Opo, kami na po ni Janus." Para akong kiniliti matapos sabihin ang katagang 'yon. I still couldn't believe that Janus is now my boyfriend. It took us years.
Napatili si Mama at napapalakpak kaya si Kiel ay napagaya rin. Samantalang si Papa, napanguso at sumana ang tingin sa pagkain niya. Napangiti ako at tumayo para yakapin ang Papa ko.
"Papa, 'wag na po kayong magalit," suyo ko. "Mahal na mahal ko po si Janus at mahal niya rin po ako. Alam niyo po kung gaano ko na-miss si Janus, 'di ba?" paglalambing ko. My father sighed and chuckled.
"Maligalig talaga. Ang sabi noong una, aantayin ka hanggang maka-graduate ka..." ani Papa bago tumingin sa akin. "Pero... masaya ka ba sa kaniya, 'nak?"
I didn't waste a single second to answer. Agad akong tumango at ngumiti.
"Masayang-masaya ako sa kaniya, Papa."
Naramdaman ko ang kamay ni Papa sa likod ko. He took a deep breath and flashed me his smile. A sincere and soft one.
"Nakita namin ng Mama mo kung paano ka umiyak at masaktan dahil sa mga nangyari sa inyo. Nagsisisi kami na nagsinungaling kami pero, hindi naman namin p'wedeng kwestyunin o pangunahan si Samonte..." Napapikit ako nang halikan ni Papa ang ulo ko. "Hangad lang naman namin ng Mama Kali mo na makita kang masaya. You've suffered enough. Pareho kayo ni Janus kaya bakit ko naman hahadlangan ang relasyon niyong dalawa?"
Tuwang-tuwa akong niyakap ang Papa ko. Sunod ay sina Mama at Kiel. Hanggang sa magbihis ay hindi maalis ang ngiti ko. Sinilip ko ang phone ko at parang ewang kinilig nang makita ang text ni Janus.
Janus: Good morning, ganda. I love you ❤
"Wala na. Tanggal na angas ko," bulong ko pero, agad ding napangiti habang nagre-reply.
Ako: Good morning din. I love you too! Mwah!
Mwah? What the hell, Yara? Bakit sa text mo lang siya hinalikan?
Napailing ako at nagdesisyong tapusin na ang pag-aayos. Lumalabos na ang inner kaharutan ko kaya kailangang kalmahin na. Habang nag-aayos ay nakatanggap din ako ng text mula kay Remus.
Remus: dito kami sa labas ng jowa mo, pakibilisan
Nanlaki ang mata ko at agad napasilip sa bintana. Nandoon nga silang dalawa. May dalang tricycle kaya napangiti ako. Bakit mas kinilig pa ako sa dala nilang tricycle kaysa sa kotse?
Nagmadali na akong mag-ayos at agad lumabas. Nang makababa ay nakita ko ang mga magulang ko na nasa labas na rin at kausap ang magpinsan.
"Hindi ka papasok ngayon?" tanong ni Papa kay Janus. Naiwan sa boyfriend ko ang tingin ko dahil sa suot niyang itim na polo at itim na slacks. Ang pogi, Mama!
"Hindi po, Sir. Mage-enroll po kasi ako ngayon at sasamahan ko po si Lola Beth sa check-up niya," sagot niya at nabaling ang tingin sa akin. Napangiti siya kaya hindi ko maiwasang mahawa.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...