05.

40 3 0
                                    

"Anak kong maganda!" salubong ni Papa Yuri nang makalabas ako sa campus. Natapos na naman ang panibagong araw at uwian na. Napangiti ako nang makita ang pamilyar na sasakyan at si Papa Yuri na kumakaway pa sa akin.

"Bye, Yara! Ingat sa pag-uwi!" I heard some of my classmates said so, I turned back and waved at them. Pumasok ako sa sasakyan at humalik sa pisngi ni papa.

"Hello po! Kayo pala ang susundo sa akin," nakangiting sabi ko. Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim nang naramdaman ang likod kong nakasandal sa leather seat ng sasakyan.

"Siyempre naman. Nagising ako kanina at sabi ng Mama mo na naihatid ka na niya kaya sabi ko, ako na lang ang susundo sa 'yo," pagkukwento ni papa.

"Nakapagpahinga naman po ba kayo?"

My father showed me his smile and I can now understand why my mother told me once that a woman became obsessed with my father to the point that she went too far. My father, even in his age, is still handsome and manly. Ang dating ash gray na buhok daw ni Papa ay kulay itim na ngayon. My father is still attractive up until now.

"Yes, anak ko. I spent the day with Kiel. Minsan nakokonsensya na ako dahil hindi ko nalalaro at naaalagaan ang kapatid mo. Nag-aalala ako na baka lumayo ang loob sa akin," my father sighed.

"Hindi naman po. Kielton loves you, Papa. Naiintindihan po namin na busy kayo sa trabaho kaya madalas kayong wala."

My father constantly worries about his time for us. Dahil nga malawak at malayo na ang narating ng business, marami na siyang inaasikaso at kabilang no'n ay ang kabi-kabilang business trips and site visits. Minsan ay lalabas siya ng bansa o kaya ay pupunta sa probinsya para asikasuhin ang ibang branches ng MadriHotels & Resorts. Umuuwi naman si Papa Yuri sa gabi pero, dahil pagod ay madalas makatulog nang mabilis kaya hindi na niya nalalaro si Kiel.

"How about..." my father trailed off.

"Hmm? Ano po 'yon?"

"What if I file a month leave? Next month buong buwan akong sa bahay lang para naman makapag-spend ako ng oras sa pamilya ko. Ano sa tingin mo, 'nak?" he smiled and playfully moved his brows making me smile.

"Kung hindi naman po makaka-burden sa inyo, bakit po hindi?" nakangiti kong tanong.

"My family will never be a burden to me. You, your mother, and Kiel will always be my main priority."

Nang makarating sa bahay, napansin ko ang pamilyar na bulto nina Tito Victorious at Tita Leisheen na nasa bahay. Sabay kaming pumasok ni Papa at agad nabaling sa amin ang atensyon nila.

"Magandang gabi po," bati ko at nagmano sa kanilang dalawa. Tita Sheen pinched my cheeks and Tito Victorious just smiled at me before I heard my father greeted them. Tumungo ako kay Kiel at humalik sa kaniya bago sa mama ko.

"Hello, baby ko!" malambing na sabi ko at kinuha kay mama si Kiel. Agad sumandal sa akin ang kapatid ko kaya napangiti ako.

"Napadalaw kayo?" I heard my father asked my aunt and uncle.

"Luh, sakit mo naman! Nakalimutan mo na?" Tito Victorious acted as if hurt. He even clutched his chest and it made Tita Sheen chuckle then, slap his arm.

"Ang drama mo, Victor!" my father stated before going to us. He kissed Kiel's forehead making my brother cooed.

Turns out, it's Tito Victorious' birthday tomorrow so, they're here to invite us. Habang nag-uusap sila ay tumayo muna ako at nag-excuse habang dala ko si Kiel.

"Saan kayo, 'nak?" tanong ni mama sa akin.

"Bibihis lang po ako. Dalhin ko na po si Kiel para makapag-usap po kayo nang maayos," sabi ko. Tumango si Mama Kali kaya naglakad na ako patungo sa kwarto ko.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon