26.

40 3 0
                                    

My days passed like a blur. Naging abala ako sa pag-aaral. Minsan na lang din ako kung kumain sa likod ng gym dahil palagi akong inaabot ng lunch sa pagtapos ng mga gawain kaya sa classroom na ako kumakain. Kapag uuwi ako, diretso tulog kaagad dahil maliban sa pagod ako, maaga na naman akong gigising kinabukasan.

I was still feeling sleepy as I walk towards the class early in the morning. Dala ko ang mga paper na kailangang ipasa ngayon. I was hugging the folder and yawning when I felt a tap on my shoulder. Mabilis akong napalingon at nagulat nang makita si Remus.

"Remus..." I muttered. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita dahil nga hindi na ako masiyadong nakakapunta sa likod ng gym.

"Morning," aniya at bahagyang natawa. "Mukha ka nang sugo ng mga panda." Tinuro pa niya ang mata ko kaya napairap ako. Remus continued chuckling.

"Ba't nandito ka?" tanong ko.

"Oh, I didn't see you for days. Napag-isipan ko lang na bisitahin ka para malaman ko kung buhay ka pa ba," he shrugged as I nodded.

"I appreciate the concern. Buhay pa naman ako," sagot ko. Remus nodded before handing out something to me. Nang ibaba ko ang tingin sa kamay niya, nakita ko ang isang may kalakihang paper bag na inilalahad niya sa akin.

"Ano ito?" tanong ko. He's gesturing me to take it so, I did. Sinilip ko ang laman at nakita ang isang garapon at may iilang sachet na hindi ko mabasa ang nakalagay.

"Uh... nag-grocery kasi ako noong Sunday tapos, ayan... naparami kaya sa 'yo na," aniya habang hindi nakatingin sa akin. I nodded and smiled at him, thankful for the treats.

"Salamat, Remus," sabi ko. He glanced at me and nodded.

"Papunta ka na sa classroom niyo? Hatid na ki—" his words got cut off when his phone beeped. Napahinto siya at kinuha ang phone niya mula sa bulsa ng pantalong suot niya.

I watch as he read the message from his phone and his eyes suddenly widened before he cleared his throat. Pinatay niya ang phone at bumaling sa akin.

"Sorry, Yara. Kailangan na ako sa classroom. Hindi na kita mahahatid," sabi niya bago may binulong sa sarili na hindi ko rin narinig.

"Ayos lang. Kaya ko namang mag-isa," sabi ko at itinaas ang paperbag na bigay niya. "Salamat ulit dito."

Nagpaalam na si Remus kaya tumuloy na ako sa paglalakad patungo sa classroom namin. My blockmates are noisy when I entered. May ilang bumati sa akin kaya tinanguan ko bago ako dumiretso sa upuan ko.

I placed my bag behind me before I decided to take out what's inside of the paper bag. Una kong inilabas ang isnag garapon na naglalaman pala ng iba't-ibang klase ng candies at chocolates na maliliit. I noticed a note attached to the side.

Hope this will fuel your energy. - Samonte

Napatitig ako sa nakasulat na apilido sa papel. Hanggang ngayon, siya pa rin ang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakikita o naririnig ko ang apilidong 'yon. He's the only Samonte who's engraved in my mind.

But, Remus gave it to me and he's also a Samonte. So... impossible.

Sunod kong inilabas ang mga sachet na naroon at nakita na sachet pala ng ginseng tea ang naroon. As far as I know, Ginseng Tea helps to relax and calm the body. These days, I've been feeling tense because of the continous works. Maikling oras lang ang pahinga ng katawan ko kaya mabilis akong mapagod.

Thanks to Remus for this ginseng tea.

Bago magsimula ang klase, uminom ako ng isang ginseng tea at agad napahinga nang malalim. Nagsimula ang klase at umayos na ang pakiramdam ko kaya muli ay pinasalamatan ko si Remus sa isip ko.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon