Mabilis na tumayo si Janus mula sa pagkakasandal sa akin nang may lumabas na doctor mula sa ER. Sumunod si Remus habang ako ay napatayo rin pero, hindi lumapit.
I heard Janus asked the doctor. Napahinga ako nang maluwag nang sabihib nito na maayos ang lagay ng Lola nina Janus at Remus. Napagod daw ito at na-dehydrate kaya nahimatay.
"P'wede na po ba siyang makita, Doc?" tanong ni Remus. The doctor smiled and nodded at them before walking away.
Nakita ko ang pagtapik ni Remus sa balikat ni Janus. "Ayos na si Lola, p're. 'Wag ka nang mag-alala," sabi nito. Lumambot naman ang puso ko nang mapagtanto kung gaano kamahal ni Janus ang Lola niya.
"Yara?" I heard him called me. "G-Gusto mong magpasundo kina Sir Yuri? Baka gabihin ako rito," ani Janus bago lumapit sa akin. Ngumiti ako at umiling bago naglakas loob na haplusin ang pisngi niya.
"Ayos lang ako. Sasamahan kita rito," sabi ko. Napahinga nang malalim si Janus bago hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. He leaned into my palm while closing his eyes.
"Pero baka mapagod ka. Kakagaling mo lang sa university niyo, hindi ka pa nakakapagbihis. Hindi ka pa kumakain," aniya at nabakas ko roon ang pag-aalala kaya lumambot ang puso ko.
"Ikaw rin naman. Hindi ka pa nakakapagbihis at hindi ka pa kumakain. What if, magsabay tayong kumain?" alok ko. I heard Remus chuckled from behind Janus.
"Akala ko, sabay magbibihis," natatawang aniya kaya sumilip ako at sinamaan siya ng tingin. "Ay! Sorry na. Tuloy niyo na 'yan. Papasok muna ako sa loob," sabi niya at pumasok sa loob ng ER.
"Yara, sasabayan mo akong kumain?" Nabaling muli kay Janus ang atensyon ko at nakitang nakatingin siya sa akin gamit ang malambing niyang mata.
I nodded and smiled at him. Napangiti naman siya at hinila ako sa isang yakap. Napapikit ako at sumandal sa dibdib niya. I heard him took a deep breath.
"Thank you," he whispered. "Thank you for being here. Masiyado akong nag-alala kay Lola kaya pakiramdam ko, maiiyak ako habang papunta rito pero, sinamahan mo ako." Napangiti ako nang maramdaman ang paghalik niya sa ulo ko.
That moment, my heart refused to deny the truth and shouted what it really feels. Janus Rigor remained the only one in my heart. He remained the only guy who managed to make me love him. The guy who removed the doubts. The guy who suffered alone yet remained standing proud and strong.
Napaluha ako nang mapagtanto kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko na kakayanin kung mawawala ulit siya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa siya sa akin. Ayoko nang maramdaman ulit ang naramdaman ko nang sabihin nilang wala na siya. I want Janus to stay.
Pumasok kami sa loob ng ER pagkaraan ng ilang minuto. Janus wiped my tears but, he didn't asked me anything. He just held my hand as we enter the ER. Nasa dulong kama nakahiga ang Lola ni Janus. May kurtinang nakalagay sa pagitan ng kama nito at ng ibang pasiyente.
"Ayan na si Janus, 'la. Kasama girlfriend niya," sabi ni Remus at tinuro pa kami. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa huling sinabi nito.
"Lola..." Janus went near his grandmother. Nagmano ito bago ako nilingon at pinaupo sa monoblock na dapat ay para sa kaniya.
"Janus, apo..." mahinang tawag ng Lola ni Janus. "Mabuti at nandito ka," dagdag nito.
Hindi ako umupo sa upuan dahil si Janus ang dapat maupo roon. I held his hand and nodded at him, telling him that he should sit to talk to his grandmother.
Naupo si Janus sa tabi ng Lola niya kaya napangiti ako at nanatiling nakatayo sa likod niya.
"'La, bakit naman nagtrabaho na naman kayo? 'Di ba ang bilin namin ni Remus, magpahinga kayo sa bahay. Akala ko, nagpupunta kayo sa palengke para mamili at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan niyo," malambing na sermon ni Janus.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...