I've been repeating the same routine everyday. Gigising, maghahanda, kakain, papasok, magli-lead sa classroom, uuwi. Nakakapagod ang paulit-ulit na routine pero, anong magagawa ko? Isa pa, sanay naman na ako at wala namang problema sa akin.
Another morning came by and my father couldn't take me to school due to his trip last night. Pagod ang papa ko kaya hanggang ngayon, tulog pa rin kasama ng bunso naming si Kiel. Kaya ang ending, si Mama Kali ang maghahatid sa akin.
People would ask why is my parents still taking me to school despite of my age? Marami akong naririnig na gano'n. Malaki na raw ako pero, nagpapahatid pa ako. I don't understand their mindset. Anong masama kung hinahatid ako ng magulang ko? What's wrong with them making sure I'm safe on my way to school? Why are they sticking their nose to our life?
"Anong iniisip mo, anak?" my mother's voice snaps me out of my reverie. Napakurap ako't nilingon siya na nagmamaneho ng sasakyan ni Papa Yuri.
I sighed and stared outside. "Iniisip ko lang po 'yong mga gawain sa school. Malapit na po ang foundation day. Magiging busy na naman po sa paghahanda ng events," paliwanag ko.
"'Wag kang ma-stress, 'nak. Marami naman kayong magtutulong-tulong kaya siguradong maaayos niyo ang trabaho niyo," ani Mama kaya napangiti ako.
"Thank you po, Mama."
Nagkwentuhan lang kami ni Mama buong byahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng paaralan. Humalik ako sa pisngi ni Mama at nagpaalam. Bumati sa akin ang guard kaya bumati rin ako at tuluyang pumasok sa loob. I spotted some students roaming around because it's still early.
Dumiretso ako sa classroom at naglapag ng gamit bago nagdesisyong magpahangin muna sa labas. Naglakad-lakad ako habang maaga pa.
"Yara!" I looked back and saw the student council's vice president, Timothy. Ngumiti siya sa akin at kumaway kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Magandang umaga," bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga rin," aniya. "Ang aga mo, ah," pansin niya at sinabayan akong maglakad.
"Maaga talaga akong pumapasok. Ikaw nga, mas maaga eh," sabi ko sa kaniya.
"Kailangan eh, alam mo naman si Pres., medyo mahigpit sa oras. Kailangang maaga kaming pumapasok para mabantayan talaga ang mga estudyante," sabi niya. "Nga pala, kaya pala kita nilapitan kasi nag-announce si Pres. ng meeting mamaya. Ikaw ang representative ng strand niyo kaya kasama ka sa meeting," aniya. Right, I won as the stydebt representative from my strand during the officer's election. I didn't expect it, though.
Gaya ng sabi ko, hindi naman kasi ako gano'ng kilala pero, laking pasasalamat ko pa rin na pinagkatiwalaan ako ng mga estudyante para iboto at maging parte ng Student Council.
I nodded at him, realizing that maybe the meeting is about the upcoming foundation week. "Anong oras ba?" tanong ko.
Timothy smiled at me. "Mamayang lunch time. Diretso ka na lang sa SSC's office, ah," aniya.
Kasabay ng pagsabi niya no'n ay ang pagtunog ng cellphone ko at doon ay nakita ko ang chat ng president ng SSC. Sinabi nito ang parehong salita ni Timothy kaya bahagya akong natawa bago bumaling sa lalaki.
"Mag-a-announce naman pala si president sa group chat, sinadya mo pa talaga ako," sabi ko sa kaniya at pinakita ang chat ng president.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomansaSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...