21.

26 2 0
                                    

Trigger warning: Violence

-

It takes long until trust is given but, it only takes a second until trust is broken. Nakakatawang isipin na sa isang iglap, mawawala ang lahat ng mabuting alaala dahil sa nasirang tiwala. Nakakatawang isipin na sa isang iglap, ang taong inakala mong magpapabago ng buhay mo ay siya palang sisira nito.

I never trusted someone before like how I trusted him. Mailap ako sa tao noon gaya ng sabi ng mga pinsan ko. I prefer studies than gatherings. I prefer to be alone than in a group. Sapat na sa aking kasama sina Cullen at Val pero, nang dumating siya, hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko.

Pinapasok ko siya at pinagbuksan ng pintuan sa puso ko. Sinubukan kong alamin ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya dahil bago 'yon sa akin. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa dati dahil sa kaniya.

I thought it's a good thing but... hell no.

I could feel the vehicle moving when I got my consciousness back. Walang makita ang mga mata ko kaya ang hula ko ay nakapiring ako. Ang mga kamay ko ay mahapdi dahil sa taling nararamdaman ko. I could hear voices, several voices of men.

"Grabe, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on 'yang nanay mo, bata! Ang tagal na panahon na!" isang malakas na tawa ang kasunod ng mga katagang 'yon.

"Magrereklamo ka pa, may komisyon tayo rito, hoy!" isang boses pa ang nagsalita.

"Hoy, natawagan mo na ba ang nanay mo?"

Base sa mga boses na naririnig ko, dalawang tao pa lang ang nagsalita at ang kinakausap nilang 'bata' ay hindi ko pa naririnig ang boses.

"Aba, tahimik, ah. Kinakabahan ka ba? 'Wag kang mag-alala! Sanay ang nanay mo sa buhay kriminal. Naturuan 'yon no'ng nasa kulungan pa, eh. Hindi ka papabayaan no'n!"

Kriminal? Nanay?

"Kaano-ano mo ba itong babae, bata? Syota mo ba?" tanong ng isa pang lalaki at muntik na akong mapasigaw nang maramdaman ang paghaplos sa hita ko.

"Kinis, oh. Baka naman puwedeng pasabi na pagkatapos ni Por- Aray! Putangina ka!"

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsigaw ng lalaking nagmura at ang pagdaing nito. Dalawang boses pa rin ang naririnig ko pero, alam kong tatlo ang kasama ko rito.

"Gago ka, ah! Paano kung nabalian ako?!"

"Hoy! Tama na! 'Wag mo nang patulan 'yan! Nandito na tayo!" sabi ng lalaking unang nagsalita kanina.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan pero, hindi ako gumalaw. Nanatili akong nagpapanggap na walang malay habang pinapakinggan ang kilos nila.

"Ikaw nang bahala riyan. Dalhin mo sa nanay mo!"

After that, I felt a grip on my arm. Kumunot ang noo ko dahil sa marahang hawak nito. Sunod na may humawak sa bewang ko at humila sa akin. I almost gasped when I felt myself being carried. Bride-style.

I could hear heavy breathings and a loud thump of chest. Marahan ang paglakad ng may buhat sa akin pero nanatili itong tahimik.

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang narinig ko bago ako nakaamoy ng usok ng sigarilyo at may bagong boses na dumagdag.

"There you are. Nagawa niyo!" isang boses ng babae. Naramdaman ko ang pagbaba sa akin sa isang upuan at ang presensyang lumapit. Itinali ang bewang ko sa upuan.

Narinig ko ang pagtunog ng pinto bago natahimik ang paligid hanggang sa halos mapasigaw ako nang maramdaman nag malamig at nagyeyelong tubig na dumaloy sa buong katawan ko. I gasped and breathed heavily.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon