14.

28 4 0
                                    

Saturday morning when my mother asked me to accompany her to the grocery store. Dahil wala naman akong pasok, sumama ako dahil isasama rin daw ni Mama Kali si Kiel kaya kailangan ko talagang sumama.

Nang makapagbihis, dumiretso ako sa kwarto ng parents ko. Pagbukas ko ng pinto, naabutan kong nasa kama si Kiel at nakadapa habang si Mama Kali ay nasa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok.

I went towards my brother who immediately cheered when he saw me. Binuhat ko ang kapatid ko at hinalikan sa pisngi.

"Bango-bango naman ng baby namin," I softly said. Sinayaw-sayaw ko ang kapatid ko at nakita ang Mama Kali ko na pinapanood kami habang may ngiti sa labi.

"Nyanya," Kiel muttered while looking at me. He giggled and raised his hands. "Nyanya!" he cheered. Hindi ko na napigilan ang paghalik sa pisngi ng kapatid ko. Only Kiel could make me expose my soft and adorable side.

Everytime I'm with Kielton, I'm always soft and even doing some baby talk. Kahit sa public pa, basta kasama ko si Kiel, hindi ko na iniisip kung may makakita sa akin. I just want to always see my baby brother happy and smiling. I want to be the reason for his happiness. That's how I love Kielton.

Buhat ko si Kiel habang palabas kami ng bahay. Papa Yuri is not here because he has some work to finish. Sinuotan ko ng sumbrero si Kiel habang nila-lock ni Mama Kali ang pinto.

Sumakay kami ng tricycle papunta sa grocery store. Kiel is leaning on me as he watches the outside seriously. I can't help but chuckle seeing the resemblance he has with our father.

"Gusto mong sa labas na tayo kumain, 'nak? O bili tayo tapos, bisitahin na natin si Papa Yuri niyo para sabay-sabay na tayo?" My mother asked when we arrived at the grocery store. Buhat ko pa rin si Kiel habang papasok kami.

"How about we eat with Papa po?" I suggested. My mother immediately smiled and agreed. Pumasok kami sa loob at kumuha ng cart. I put my brother on the small space inside the cart and held onto him while Mama Kali is the one getting what is needed.

"Baby, tingin ka nga kay Ate," tawag ko sa kapatid ko habang hawak ang cellphone ko at nakatapat sa kaniya. Habang namimili si Mama Kali, kinukunan ko naman ng picture ang kapatid ko. Kapag tatawa ang kapatid ko, mapapatawa rin ako kaya ang ibang tao ay napapatingin sa gawi namin.

"Ang mga anak ko, ang saya-saya. Nakakatuwa naman," Mama Kali said with a smile. Kiel lifted his hand, wanting Mama Kali to lift him. Our mother smiled then kissed his forehead before looking at me.

"Sama mo si Kiel. Kuha kayo no'ng paborito niyang pagkain do'n," sabi ni mama na agad kong naintindihan. Binuhat ko si Kiel at nilaro-laro.

"Kukuha kami ng favorite ni Kiel," I softly talked to my brother. "Gusto mo Yam-yam, Kiel?" tanong ko sa kapatid ko habang naglalakad kami patungo sa aisle kung saan nakalagay ang paboritong pagkain ng kapatid ko.

"Nyamnyam!" Kiel cheered when he saw his favorite snack. I chuckled and pointed at the different flavored snacks.

"Turo mo anong gusto mo, baby," pagkausap ko sa kapatid. Kiel leaned forward and grabbed the green cup which contained the chocolate flavor. He gripped the cup but then, it fell from his hand.

Agad naman akong napaayos ng tayo. Inayos ko rin ang pagkarga kay Kiel bago ko sinubukang yumuko para kunin ang nahulog. Hinigpitan ko ang paghawak kay Kiel para hindi siya malaglag.

"Wait, baby ko. 'Wag kang malikot, ha? Kukunin lang ni Ate ang pag-" Natigilan ako nang hindi pa man ako nakakayuko nang maayos, may pumulot na ng dapat ay kukunin ko. I saw a white sneakers in front of me so, I look up to see who owns it.

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon