Haluuu! Papasok na naman sa iskul si Sheen ngayong January 3! Sinipag akong magsulat kaya ito naaa! Tatlong updates for you, mga mahal!
Four more chapters na lang at magbaba-bye na tayo sa JanRa! Enjoy!
-
My father's piercing and serious eyes made me gulp. Nakita ko si Mama na tahimik na nakaupo sa tabi ni Papa Yuri. Nang magtama ang mata namin ay nginitian ako ni Mama kaya nakahinga ako nang maluwag.
Today is Sunday and Janus already knows about our meeting with Unice. Nasabi niya na balak daw niya talagang kausapin ang dalaga para magkalinawan sila. But before meeting Unice, he visited me to our house. Nagdala siya ng pagkaing iniluto niya raw para sa almusal. Ang Lola naman niya ay nagpapahinga sa bahay nila at binabantayan ni Remus.
Nag-uusap kami sa labas at hindi maipagkakaila ang kilig na nararamdaman ko habang kaharap siya. He's so gentle and soft with me. Kapag nagsasalita ako, tahimik lang siyang nakatitig at nakikinig. He would tuck my hair and reacts at my every words. Hindi ko namalayan ang oras habang kasama siya pero, natigil 'yon nang marinig ko ang boses ni Papa.
"Yara Nezka, anong ginagawa mo riyan?" his voice made me stop. Nang lingunin ko si Papa, napalunok ako nang mapagtanto kung gaano kaseryoso ang mata niya habang nakatingin sa amin.
"P-Papa..." I stuttered.
My father, sporting his cold and dark look, walks towards us. Nakasuot pa si Papa ng puting shirt at pajama niya pero, seryosong-seryoso ang mukha.
His eyes shifted to Janus. "Bakit nandito ka, Samonte?"
Nakita ko kung paano tumayo nang maayos si Janus at humarap kay Papa. He gulped before slightly bowing his head.
"Magandang umaga, Sir Yuri..." bati niya. "Uh, dinalhan ko lang po ng pagkain si Yara. Naparami po kasi ang luto ko kaya... nagdala po ako rito," aniya at sumulyap sa akin. Kabadong-kabado ako habang pinapanood silang mag-usap. Gusto kong sumabat pero sa itsura ni Papa, mas pinili kong manahimik na lang.
"Pasok sa loob, Yara..." sabi ni Papa kaya nanlaki ang mata ko. Tumalikod ito pero bago maglakad ay nagsalita pa siya.
"Ikaw rin, Samonte. Pumasok ka at mag-uusap tayo."
That's how we ended up sitting at our living room's sofa. My father sat down on a single couch with my mother sitting on the armrest. Si Kiel ay tulog na tulog pa dahil maaga pa.
"Didiretsuhin na kita, Samonte..." panimula ni Papa. "Nanliligaw ka ba kay Yara?" ang tanong na 'yon ni Papa ay muling nagdulot ng kaba sa akin. Sinulyapan ko ang katabi ko pero, gano'n na lang ang gulat ko nang makitang kasingseryoso na ni Papa ang mukha niya. Hindi mababakasan ng kaba.
"Sir Yuri, alam ko pong nangako ako sa inyo na magpapakita kay Yara kapag naka-graduate na siya..." sabi ni Janus. "Pero, pasensya na po dahil nandito po ako sa harap niyo ngayon, malapit kay Yara kahit hindi pa siya nakaka-graduate. Pasensya na po kung nakikita niyo po kaming magkasama, Sir Yuri."
My mouth parted as I realized that Janus really promised my father that. Ibig sabihin, wala siyang balak na lapitan ako habang hindi pa ako nakaka-graduate? Pero dahil sa kagustuhan kong aminin niya na siya si Janus noong araw na 'yon sa opisina, napilitan siya at nasira niya ang pangako kay Papa.
BINABASA MO ANG
Been Through (SCS #3)
RomanceSoaring Courage Series #3 - A new experience for Yara Nezka Madrigal was liking someone. She is the kind of girl who puts her studies before romance, but when that classmate suddenly entered her life, she experienced emotions she had never experienc...