[NECKLACE]
LUNA'S P. O. V
Nakahiga na kaming lahat at ang lahat ay tulog na maliban nalang sa akin na hindi makatulog kakaisip kung ayos lang ba si Kian. Sina Deth at Denver ay kasama namin sa kwarto dahil gusto raw ni Kian mapag-isa.
Alas-dos at naalimpungatan ako. Tiningnan ko ang dalawang nasa gilid ko na mahimbing na ang mga tulog. Sinubukan kong bumalik sa tulog pero hindi ako magawang patulugin ulit nang maalala ko na mainit si Kian kanina nang hawakan niya ako. Nag-ooverthink ako. Baka kaya gusto niyang mapag-isa ay dahil may sakit siya.
Siguro naman tulog na 'yun at madali ko lang ma-che-check kung ayos siya.
Dahan-dahan akong umalis sa kama. Pagkarating ko sa harap ng pinto ng kwarto nina Kian, marahas akong bumuntong-hininga bago hawakan ang doorknob at dahan-dahang pihitin. Mabuti naman at hindi naka-lock.
"Kaya mo 'yan, Luna. Iche-check mo lang kung ayos lang ba siya tapos aalis kana." Pagpapagaan ko sa loob ko bago dahan-dahang itinulak ang pinto. Sumalubong sa akin ang sobrang dilim na paligid lalo na ng isara ko ang pinto kaya kakapa-kapa akong naglakad.
Ginawa kong gabay ang pader. "Ay pochangga-" Sigaw ko nang may kung anong bagay ang nabangga ng mga paa ko. Sakto namang nakapa ko na ang switch ng ilaw kaya pinindot ko na ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang magbaba ng tingin sa natamaan ng paa ko at makita si Kian na nakaluhod sa sahig habang nakahawak sa bedside table at naghahabol ng hininga. Agad ko siyang dinaluhan. Idinikit ko ang likod ng palad ko sa noo niya. "Ang init mo!"
Marahas niyang inalis ang kamay ko sa noo niya kaya naiinis na hinawakan ko ang braso niya. Pilit niyang inaalis ang kamay ko kahit na hinang-hina na siya habang tinutulungan ang sariling makaupo sa kama niya.
"Umalis kana. Hindi k-kita kailangan," sabi niya nang makaupo siya sa kama niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang kinukumutan niya ang sarili niya. Nanginginig na rin siya sa lamig kaya ipinalibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto para hanapin ang remote ng aircon kaya lang hindi ko nakita. "Kian, nasaan ang remote ng aircon?"
"I don't know. Just leave and call Elisse," mahinang sabi niya na ikinailing ko lang. Nilapitan ko ang cabinet. Nang buksan ko ito ay bumungad ang remote kaya agad ko itong kinuha at pinahinaan ang aircon.
"Huwag kang babangon ulit. Susubukan kong gisingin si Elisse," sabi ko sa kaniya. Wala akong sagot na nakuha mula sa kaniya kaya lumabas na lang ako kaagad.
Paniguradong hindi naman siya magpapaalaga sa akin at baka lalo lang lumala ang kalagayan niya kung ako ang makakasama niya sa isang kwarto dahil maiinis lang siya sa akin.
Nang makarating ako sa harap ng kwarto ni Elisse ay kumatok ako nang makailang beses. Sa ikapitong katok ko ay saka lang niya ako pinagbuksan ng pinto.
"What is it?" Tanong niya sa mababang boses. Lumabas siya ng kwarto niya at sinara ang pinto. Luminga-linga siya sa paligid na para bang may hinahanap bago ako tingnan. "What the hell? Bakit ka nang-iistorbo?" Tanong niya sa pabagsak na tono.
Plastic nga talaga, oo.
Napairap ako at tamad siyang tiningnan. "Wala akong kailangan sa'yo pero 'yung best friend mo, meron. Puntahan mo at may sakit."
Kumunot ang noo niya at nanliit pa ang mga mata. "Best friend?"
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Kian? Remember?"
Namilog naman ang labi niya at tumango-tango. "Kaya niya na ang sarili niya. Gusto ko pang matulog. Istorbo ka," walang ganang sabi niya na kinakaway pa ang kamay.
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Fiksi RemajaBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️