WARNING:
THIS IS A WORK OF FICTION. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imaginations. The scenes and some prespectives in this story contains violence and foul words. If you don't prefer reading with those types of themes, I'm warning you---Don't read this. This story comprise with those explicit contents. But if that's what you really prefer, then go---Continue reading.
This is the sequel of YNTD kaya mato-torture na naman ang utak ko sa kwentong ito. Pero okay lang, masaya naman ako since my passion is writing. I want to write as many stories as I could kahit minsan sabaw utak ko. So I'm looking forward that you will enjoy reading this. Please excuse the typographical errors. Feedbacks and comments are much appreciated---Enjoy!
PS: THIS IS ONGOING SLOW UPDATE!
***
CLASS A---
Kami yan.
Kapag nasa class A ka ay dapat huwaran ka.
Dapat ikaw ang mas nakakaalam ng tama sa mali at kung ano ang mali sa tama.
Ang tingin nila samin---
Matatalino.
Mababait.
Magagalang.
Mapagkawang gawa.
Masisipag.
Masasaya.
Tahimik, puro aral lang.
At higit sa lahat---
Matitino.
Kaya marami ang gustong magpalipat sa section namin.
Section namin ang hinahangad ng lahat.
Section namin ang hinahangaan ng lahat.
Section namin ang kinaiinggitan ng lahat.
Pero sa totoo lang---
Hindi kami kung ano ang iniisip nila.
Dahil ibang iba kami sa loob ng klase.
Kami yung section na---
Walang modo.
Walang galang sa lahat.
Walanghiya.
Mahilig sa gulo.
Bastos.
Patapon.
Maiingay.
At higit sa lahat---
Walang kwenta.
Marami kaming tinatagong sikreto.
Ibang iba kami sa loob ng klase at sa labas ng klase.
Kami yung mga---
Walang pakialam sa lahat kahit na alam naming may tinatapakan na kaming ibang tao.
Mga sarili lang ang iniisip namin.
Gugustuhin mo pa bang hangarin ang section namin?
Gugustuhin mo pa bang hangaan ang section namin?
Gugustuhin mo pa bang kainggitan ang section namin?
At higit sa lahat---
Gugustuhin mo pa bang magpalipat sa section namin kapag nalaman mong kami ang section na---
Mga mamamatay tao?
Ako si Jade Sacuevo at ito ang section ko.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Class A [ON-GOING]
Mystery / ThrillerSection namin ang hinahangad ng lahat. Section namin ang hinahangaan ng lahat. Section namin ang kinaiinggitan ng lahat. Magpapalipat ka pa ba sa section namin kapag nalaman mo na, kami ang section na... Mga mamamatay tao? *** Kindly read the book 1...